28 Các câu trả lời
Hi mommy, 'bukod sa provider ng pera' foes it mean po ba na nagbibigay sya? Anyway, iba iba din po kasi ang language of love natin at ng mga hubby natin, if nagbibigay sya ng pera (pero sana ung not more than enough ung tipong may pang shopping ka pang extra) then i think yun ang ambag nya. Ang husband ko aside from 8-5 na minsan 8-6 job eh may mga raket on the side po as photographer/videographer so weekends halos wala din sya, sa gabi naman nageedit. So diko talaga sya maasahan pero in terms of finances, material things including gala and kain sa labas, very good provider sya. Nung una naiiyak ako kasi siko sya maasahan, habang himbing sya sa tulog ako di na magkandaugaga sa pagaalaga 24 hours. Nung una nagaaway kami talaga pero un nga nrealize ko ayun very good provider sya. Ano po ba ang kwento nyo mommy? PS. Moral support pala mommy mahalaga din ;)
Aside from financial support, dapat meron din emotional, psychological, physical and spiritual support from ur husband. Then do not judge him kung hindi p nya maipakita yun agad agad sa inyong mag ina baka kasi dumaraan ka lang sa post partum. Kausapin mo siya, ipaliwanag mo na di lang pera ang kelangan nyong mag ina kundi presensya nya. Need mo siya na magbantay at pag aalaga sa bata. Mas maganda kasing pinag uusapan yan lalo na kung di mo naman kakayanin mag isa ang responsibility mo sa baby mo.
Baka po postpartum depression yan kaya tingin mo alang kwenta yung tatay? Ano po ba yung basis niyo.. kung kasama mo siya, kausapin mo po na hindi sapat na pera lang, na need mo pa ng suporta emosyal o mapa pisikal or kung ano man yung sa palagay mo na need mo from him. Mahirap din kasi mag judge sa asawa mo na di namin alam yung buong kwento. Try mo din mo tignan yung mga positive na nagagawa niya
Yung asawa ko nag alaga sa ken nung na CS ako. Hinuhugasan nya ako ng pwet after ko dumumi kasi di abot ng kamay ko kasi masakit pa ang tahi. Tinutulungan nya ako mag alaga kay baby lalo at di ko mapatigil sa pag iyak. Sya ang supporter ko sa lahat ng bagay at nagpapalakas sa ken twing nawawalan ako ng pag asa dala ng post partum depression.
Ako po ay isang first time father here... Di naman sa po sa pag mamalaki ako po yj nag aalaga kay baby sa gabi hangang madaling araw at nag aalaga sa mommy niya...ok lqng mapuyat basta maalagaan ko sila mag ina and im proud to say na father na ako hihihi
ung hubby ko ldr kmi bukod sa pagpapadala nia ng pera pra samin ng magiging baby ko palagi nia ko pinag sasabihan mga dapat kainin pra maging healthy s baby n lumabas at palagi nia ko nireremind n pag nakalabas n baby namin sanayin ko s gulay wag papahawak papahalik ganun.
nakakalungkot naman na tingin mo walang kwenta ung tatay ng anak mo.. sympre aside sa pera, dapat anjan sila.. moral, emotional, phsylogical support and all. example ung hubby ko, may oras sya na nilalaan para maglaro sila ni baby everyday.
Since ang baby natural dikit kay mommy lagi pwede yung mga gawain na hindi need lagi si mommy. E.g. laba damit, paligo kay baby, change diaper, tagahele/buhat etc. Pag usapan nyo po ano pwedeng task ni tatay
Yung hubby ko katuwang ko sya mag alaga ke Lo pag uwi nya galing work.. pag rd bantay dn sya ke baby at pag aalis ako sya bantay.taga timpla dn gatas ni baby taga paligo at sya nagpapaaraw pag andito sya..
para po skin malaking ambag ang ama ng mga anak ko kasi if ala sya panu na kmeng mag iina nya.. para din nmn samin kaya sya nag ppkahirap mag trabho..at pag andito sya todo parin pag iintindi ko sa knya...