Any reco

Ano pong mas useful or mas praktikal na bilhin mga mommy? Wooden crib or play pen? first time mom po kasi ako and medyo lito ako sa mga nirerecommend ng ibang kapwa mommy! 😅

12 Các câu trả lời
 profile icon
Viết phản hồi
Thành viên VIP

Mi depende pa din ito sa preferrence nyo. Mag co-sleep ba kayo or not? Ako, sobrang praning kasi ako sa mga napapanood ko na co-sleeping is not safe. Safest daw is sa crib talaga. Nag co-sleep kami for a while nung newborn si baby kasi sa magdamag gusto nya mag latch talaga. Pero may mga times na nagigising ako na nakasiksik na si baby sakin, as in yung face nya. Buti nga lang din talaga mababaw ako matulog nung mga time na yon kaya nararamdaman ko sya agad. Sobrang nakakatakot. Kaya sinanay na namin sya sa crib. Siguro mga 1month sya non. Latch or bottle feed then pag nakatulog na, burp then baba sa crib. So far 5mos na sya ngayon, sleep trained na din. Nag start around 4mos nya, natutulog na sya direcho at night. Gising nya in the morning na para mag dede. Minsan ginigising pa nga namin kasi napapatagal talaga tulog nya. Crib din very helpful pag may ginagawa ka and walang magbabantay kay baby, kasi pag tulog sya very safe iwan sya. Pinag uusapan namin pag malaki laki na sya saka na kami mag play pen.

Đọc thêm

ganito binili ko sa baby ko nung buntis palang ako tapos nagpacustomize ako baby nest Yun nilagay ko sa loob.. tapos nung medyo lumaki na si baby ko bumili naman ako ng Play Fence kasi malikot na si baby gusto maglakad lakad ng big space ... narealize ko dapat pala nung una palang play fence nalang binili ko kasya naman yung kutson sa loob😆.. Pero etong crib na foldable para sakin mas bet ko compared sa wooden... yung wooden crib kasi aesthetic lang tingnan Pero prone siya sa Untog.. tapos banned na ngayon gumamit ng nilalagay sa gilid sa wooden crib dahil prone sa suffocation..

Đọc thêm
Post reply image

U can use playpens till 3yrs old lang, ung upper non 6months lang. I think mas sulit ang crib depende sa size, ung iba kasi hanggang 7yrs old magagamit mo pa. Ang maganda lang sa playpens, pede mo syang bitbitin kasi inaassemble lang yon with travel bag. Mas safe talaga ung crib 🤔 anyway, base sa nabasa ko sa mga comment, may binabanggit silang ibat ibat klase ng playpens. bahala ka po kaya mo yan hahaha

Đọc thêm

depends po with your situation, if breastfeeding i would not advise to buy crib po since mapupuyat ka bumangon. co sleeping is better po. we transfered sa sahig matulog until 6 months. nung mag ccrawl na si baby dun na kmi sa loob ng fence. it gives me extra sleeping time lalo na pag nauna nagigising si baby nag lalaro lang sya sa loob ng fence habang tulog pa kami hehe

Đọc thêm

For me,mas maganda play pen kase pwede kayo dyan matulog at may harang din unlike sa crib na si baby lang tlga ang kasya. Tsaka di pa nman malikot pag baby,mas maganda co-sleeping para masigurado mo safety ni baby.

2y trước

iba iba po talaga no? may nabasa ako dapat talaga careful pag katabi and may mga risks din. may nabasa din ako na may risk din ng sids if mag isa lang natutulog ang baby and na lelessen ung risk if katabi matulog ang mommy at least for the 1st year

well based on my exp... playpen nalang kz una bmli kmi crib d aman ngmt sa kutson kasi sya nttlog sa baba... then after nun nag playpen nlng para pag mtto mgllkad at gabay2x

play pen, mas useful hanggang sa umuupo at tumatayo na baby mo. wooden crib kasi ilan mos mo lang magagamit mabigat pa ilipat mg iba place. based on my experience

Influencer của TAP

For me, playpen po ginawa namin is bumili kami ng playpen na kasya ang queen size bed and dun kami natutulog ni baby :) very worth it po unlike sa crib po.

2y trước

https://s.lazada.com.ph/s.SavL3 ito po yung binili ko :) nasa 2200 din kung di sale. pag sale nasa 1800

Thành viên VIP

Playpen mommy. Kasi ang bilis lumaki ng mga baby po. Hindi na magagamit wooden crib at may mga babies na hindi po gusto matulog sa crib 😊

Depende sa need mo mommy. Play pen is better kung nagko-crawl na si lo para mas malawak yung space na safe sya. 🤗