Sinisipon at walang panlasa at pang amoy
ano pong magandang gamot sa sinisipon... hindi pa po ako makapag pacheck up sa doctor kasi monday pa OB ko magiging available.... natatakot din po akong baka covid virus na to... meron po ba ditong nag postive? Ano pong ginawa nyo? Thank you po sa sasagot... 23 weeks pregnant po ako #advicepls
Better tell your OB kung ano nararamdaman mo before ka pumunta sakanya, para makagawa siya ng precautionary measures. Most likely ipapa swab test ka. Madami buntis ang asymptomatic. But in your case, gagamutin lang muna sipon mo and papalakasin immune system mo. Maging open ka sa Ob mo, siya maging partner mo. Nun nag positive ako, OB ko ung naging partner ko. Bigla ako nawalan ng panlasa and pang amoy. inaamoy ko pati mga domex, shampoo etc, wala talaga. Sa food, may alam ko lang matamis pero un lasa mismo wala. Babalik din naman, kaya need din malaman un case if ever. Ngayon, Sa awa ng diyos, recovered na ko 2 weeks na :) wag ka matakot, need mo lang mag pray, inom ka fresh fruit juices also lots of water. Then kain ka healthy :)
Đọc thêmIdisclose niyo po sa ob niyo at magpatest kayo for covid. Kawawa yung mga ma eexpose kung nagkataon na positive ka pala for covid lalo na during check up. Unfair yun sa frontliners at ibang patients. The best na mgagawa mo is palakasin resistensiya mo. Inom ng mdaming fluids at kain ng healthy na pagkain. Also mag self quaratine ka for 2 weeks kasi di mtatapos ang covid hanggang di natin ginagawa ang mga safety precautions at nililimit ang transmission.
Đọc thêmMagpaswab test po kayo para sure then if positive, consult din sa infectious disease doctor para mabigyan ng advise, masagot mga concerns and kung ano mga vitamins na kailangan para lumakas immune system. Kailangan din po idisclose niyo sa OB na may symptoms kayo dahil may iba hindi pumapayag physical consultation kapag covid positive or suspected covid. Usually thru telemedicine ang consultation.
Đọc thêmMagpaswab po kayo para sure. I'm a covid 19 positive. 36 weeks and 2 days ako ngayon. Nakahome quarantine po ako for 14 days since asymptomatic ako. If may HMO ka, sagot ng card mo yung swab test. Maigi na magpaswab ka para sure at safe lahat ng tao sa paligid mo pati si baby. Di ka magagabayan ng maayos ng ob mo kung itatago mo sakanya ang situation mo.
Đọc thêmActually ako din po na wala ng pang amoy at panglasa before dala siguro ng pagbubuntis din yata, iba iba din kasi. pero sa awa ng Diyos bumalik din naman, try mo po mag dalandan mga maaasim, tyka yung kalamansi, everyday panget lasa pero effective sya. 😊
Relate much.. Ilan araw na yung ubo ko.. Ubo lang naman walang lagnat o sipon kaso nakaka panic talaga eh.. Na try ko na nga rin mag suob tsaka salabat kaso hanggang ngayon di pa rin gumagaling.. Every 2 weeks pa naman na balik ko kay OB 😩😩😩🙏🙏🙏
sabi po ni doc willie Ong...severe na pagkawala ng pang amoy at panlasa ang covid symptoms..pero kong may sipon po kau at may naamoy at nkakalasa ng maasim kahit paano..hindi daw po yan covid..pero for your peace of mind magpa swab test nlg po kau....
nakakalasa po ako ng pamatamis at maasim konti wala lng po akong maamoy
ako nag ka sipon at ubo wala bngy gamot ob ko calamansi juice every day tas sa gabi ginger with calamansi nawalan ako ng pang amoy saglit tas omokey din at ngayon eto po okey nako
Alam naman po nating lahat na wala pang gamot sa COVID. Symptoms po ng COVID yung mga nabanggit nyo. Kayo na po mismo ang magpunta sa doctor kahit hindi na po mismo sa OB nyo.
Di ko sure if mag work din to sayo mommy, pero try mo kumain ng super asim na fruits like santol or purong kalamansi inumin mo, haluan mo lang konting sugar and salt.