Yung pedia ko po di nya nirecommend ang Cerelac or Gerber sa mga anak ko. Masyado po kasi mataas sugar content. Ang advice nya po is mas ok na from our ulam ang ipakain kay baby. For example nilaga ulam namin, before maglagay ng seasoning/msg ihiwalay na yung patatas and imash para pag kain ni baby. Kung tinola naman, ihiwalay na ang sayote para kay baby. Mas healthy po yun at hindi po magiging mapili sa pagkain si baby.