8 Các câu trả lời
yung baby ko pagkaanak di na okay yung pag iyak niya. kaya dinala sia sa NICU ng hospital. Napag-alaman na may severe pneumonia sia, nasa ward ako nun time na yung , walang bitbit na anak . pag uwi sa bahay , wala pa din baby ko. 1 week pa sia sa hospital kasi may antibiotics pa silang ipinainom. Nangigngitim din labi niya pagkakuha namin , pero okay naman sia ngayon . 2 months na sia ngayon. better punta ka nalang ng hospital para matreat si baby. feel ko cause ng pneumonia ng baby ko is Electric Fan. Mahangin, kasi nung buntis ako araw-araw electric fan ako kasi nga mainit yung katawan ko. madaling araw din work ko nun homebased. nakatutok tlaga saakin yung e.fan.
ER asap mi possible with neonatal sepsis kung newborn may pneumonia tapos late onset kaya after weeks pa lumabas sintomas.. Sepsis delikado yun kung di maagapan. Kelangan pa checkup agad. 9hrs ago pa pala post mo.. Sana nadala mo na sa hospital mi. Saka nangingitim?? Kelangan matingnan agad siya mi wag na patagalin pa. Getwell kay baby
Pneumonia po ba diagnosis? ba second opinion po kayo baka may other pa. Kasi lo ko nagka pneumonia din di naman po nangingitim.
Saan po kayo nanganak? Naiuwi nyo po si baby? Sino po nagsabi na pneumonia? Punta na po kayo sa doktor asap mommy.
ipakunsulta mona yan, unang tanong ng mga doktor may naninigarilyo ba sa bahay .
Sa hospital nio na po dalhin si baby. Hinde po normal. Para maagapan.
derecho na po kayo sa doctor
ER na mii