Ano pwede igamot sa rashes na ito
Ano po pwedeng igamot sa butlig ni baby sa face? Meron din sya sa bandang pisngi. Magaspang po sya pag hinawakan. Please help naman po. 😔
sa baby ko mii coconut oil pinahid ko konti lang, nagka dusdos kasi sya noon sa kilay at ulo kaya may coconut oil kami, e naisip ko pahiran din yung pisngi nya although kusa naman daw yun mawawala nilagyan ko parin trip lang. ngayon ang kinis na nya kaya pinapahiran ko parin sya coconut oil pag naisipan haha skincare na nya yun 😆
Đọc thêmkapag baby acne po, kusa daw po yan nawawala in a few weeks. pero sa baby ko ang gnawa ko noon is nilalagyan ko ng breastmilk 15 mins bago sya maligo. then wipe lang ng cotton na may maligamgam na water 3x a day. nag okay din naman
Yung baby ko makinis nung nilabas ko tapos nung inuwi sa bahay nag ka rashes rin yung face basta parang butlig na maliliit na medyo madami dahil sa halik halik, ngayon pinapahiran ko ng baby oil na nasa bulak nawawala naman
breastmilk po punasan nyo mukha nya gamit ang malinis na bulak, ibabad nyo po mga 5mins, tapos liguan nyo po, after maligo, mupirocin effective din po un, ganun po ginamit ko kay baby.
Breast milk po and ligo araw araw chaka hilamos sa gabi. Para iwas rashes, wag din masyadong kulob ang ipasuot kay baby para di mainitin.
Tiny Buds BABY ACNE Mi. Yan lang gamit ng baby ko and nag okay naman. Pero normal lang sya sa baby they called it NEONATAL ACNE.
ako po mi wala po ginamot mas malala pa sa baby ko nun nilalagyan ko lang po mukha nya ng gatas ko nawala po kusa.
gatas mo mi pwede yan mawawala lang yan, maglagay ka sa bulak ng gatas galing sa dede mo t@s ipahid mo
mie try mo tiny buds baby acne yan ginamit ko sa baby ko effective makinis na mukha ng anak ko.
I-moisturize mo. Cetaphil Callendula gamit ko sa baby ko. Pwede din Virgin Coconut oil