Eldest - Bunso Couple problem

Ano po pwede ko gawin. Yung LIP ko kasi masyado kuripot at wais sa pera . We currently live with my family , ako nagbabayad ng bahay ( gamit sarili kong pera ) and nakatira family ko sakin , kasama mga kapatid ko and asawa at anak nila. Initial na usapan 50/50 sa bills ( kuryente , tubig , grocery ) . Now, issue ng LIP ko yun kasi recently kami lang nagbayad ng grocery sa bahay since gipit yung mga kapatid ko. not to mention kakamatay lang ng father ko kaya hirap din yung mga kapatid ko kasi kami kami lang din gumastos panglibing so naubos savings nila. Eldest ako , sanay ako solohin yung bills nung dalaga ako. For me, okay lang na lamang ako sa bills kasi malakas kami gumamit ng aircon ni baby. Sa food naman, okay lang paminsan minsan ako bibili kasi gipit pa nga mga kapatid ko tulong ko nlng din tsaka halos kakain nlng kami dahil sila na gumagawa ng gawain bahay, luto laba linis. Nagaaway kami kasi ayaw nya nalalamangan, sanay kasi sya fair share sa mga bayarin like what they did nung kasama pa nya mga kapatid nya. For me kasi , ako nakakaluwag ng konti so tutulong ako. Sya hindi. Madalas namin pagawayan yun. Gusto ko sana bumukod ulit para wala na sya masabi , pero malaki din monthly ko sa bahay, di kaya hulugan ng mga kapatid at mama ko. Di ko naman sila pwede paalisin kasi malaki din nilabas nila pera nung binili namin yung bahay ( tinulungan nila ako sa downpayment). Hay. Naiistress ako kasi dami nya reklamo sa pamilya ko. Kain tulog na nga lang ginagawa nya sa bahay , kasama na din pagaalaga kay baby. Hirap!

20 Các câu trả lời

Iba na ang sitwasyon nung dalaga kpa at ngayong may sariling family kna. Well hindi ko naman sinasabing masama na tumulong ka sa mga kapatid or family mo,pero you need to consider din ung asawa mo. Isa pa when it comes to financial status, dapat parehas kayong may say na mag asawa kahit sino pa ang kumikita sa inyong dalawa. I understand the point of your husband, yes family mo sila pero nd mo na sila obligasyon dahil may family na din sila. Sa mother mo naman talagang need nya ngayon ng tulong nyo since kakamatay lang ng father nyo. Isipin mo ha may mga asawa na din mga kapatid mo, dpat sila ang namomroblema sa mga gastusin nila qng lagi kang ganyan nd ka nkakatulong skanila, tinuturuan mo lang silang maging dependent sayo imbes na turuan mo silang tumayo sa mga sarili nilang paa, just my opinion.

Sabi nga nila it is better to give than to receive. Explain mo nlang momshie na tinutulungan ka nila. Walang masama kung malamangan kayo kesa kayo ang nanlalamang. Kapamilya nyo yan bat nyo pagdadamutan diba. I mean kung sa ibang tao kaya nyo tumulang sa mga kadugo nyo pa. Na nakakatulong din nman sainyo. Sabihin mo nlng sis na nagtutulungan kayo. Kahit nga kaaway kung nagugutom pakainin iih. Kung nakakaraos kayo sa araw araw, nakakabili nman ng pangangailangan. Walang masama sa ginagawa mo sis. Explain mo na lang sa LIP mo na ikaw nangangailangan ng tulong tinutulungan ka. Hindi man financially pero physically. Sobrang nakakapagod kaya mag alaga ng baby kapag solo tapos my gawaing bahay pa. Need nyo talaga magusap.

Ang toxic ng partner mo mommy. Masyadong mabilang ayaw malamangan considering na family mo naman ung pinag uusapan at hindi naman ibang tao. May reason naman bakit gipit and mukhang hindi naman sila ung tipo ng mga mapagsamantalang kamag anak base sa post mo. Sana maintindihan nya ung situation sa ngayon na gipit nga sila and kahit paano may effort naman sa part nila and that sana lawakan niya isip niya dahil syempre masasaktan ka kasi parang iniipit ka niya kesa intindihin. Na instead na pagaanin niya nararamdaman mo dagdag stress siya. Hopefully mapag usapan nyong mabuti kung pano ireresolve ung issue ng hindi masasaktan ung family mo and ung partner mo din. 🙏

Kausapin mo na lang si LIP mo. Need mo ipaintindi sknya na hindi man nakakatulong ng ganun kalaki ang mga kapatid mo sa mga gastusin sa bahay e nakakatulong nman sila sa mga gawaing bahay which is hindi makaka-quantify para bigyan ng katumbas na pera. Hindi naman kayo nilalamangan dahil nagkataon na may malaking pinagkagastusan lang kayo nung namatay ang father nyo. Saka hindi nman nya pera yan kaya kung pwede sana tumulong na lang sya para hndi ka mahirapan hindi yung iniistress ka pa nya. Hindi pa nga kayo kasal, ganyan na sya sayo at sa family mo. Nakooooo 😤

TapFluencer

For me, although family mo yan, isipin mo rin kapakanan ng sarili mong pamilya ngayong may asawa at anak ka na.. Yung nanay mo oo, pwede mong saluhin since nanay mo yan.. Pero mga kapatid mo? Juice colored hindi porket panganay ka sasaluhin mo lahat ng obligasyon.. Maawa ka sa sarili mo at sa anak mo. Natural lang na magdam2 ang asawa mo, kung di na kayo makapag-ipon man lang dahil sa pagtulong mag-isip ka ng mabuti. May limit lahat ng bagay wag mong hayaang umasa nalang sila sayo kasi sa bandang huli kayo lang ng asawa mo ang magtataguyod ng pamilya nyo.

VIP Member

For me po parang toxic nya sayo kaht hndi naman dapat. Kung kaya nyo mas okay nmn talaga mag share lalo na family mo naman sila and totoo naman na hndi nila kaya. And sinabi mo nmn na tinulungan ka nila dati sa downpayment sa bahay kaya I'm sure na kung meron naman sila money, tutulong sila. Sana maintndhan nya na kung kayo yung nasa sitwasyon, tutulungan dn kayo ng mga kapatid mo, besides hndi pa naman kayo kasal para kontrolin nya yung money mo. As long as hndi nmn money nya yung gngastos mo dun, di na dapat sya magreklamo. Tulungan lang dapat.

Buti ka pa mamsh ikaw lang ang nagbbgay sa family mo, at hindi ung asawa mo, sa kapatid ko kasi pamilya ng asawa niya halos madalas niyang bigyan, lahat pa sila nakatira sa bahay nila,pero samin andamot ng kapatid ko samin...di nya din bnbgyan tatay ko eh wala naman trabaho tatay ko,mga kapatid kung lalaki madamot sa amin ate ko lang mabait, kaya sobrang bait mo pokasi nakikita ko sau ate ko,sana malagpasan mo yan...

Kausapin mo yunh LIP mo, about sa sitwasyon ng pamilya mo, and pera mo naman yun at hindi naman ibang tao ang tinutulungan mo. Besides, tumutulong naman yung family mo sa mga gawain bahay. Buti sana kung naka tanga lang, and ikaw mismo sabi mo na hirap pa mga kapatid mo, and im sure nagsusumikap naman mga kapatid mo para mag share. Ipaintindi mo na lang sa LIP mo.

VIP Member

ang tanong pag lumipat b kyo sya mgbbyad ng bhay and all? yun mga lalaki tlga hnhtian mo na sa responsibilidad nla, andmi pang sabi. samantalang sa gawaing bahay hnd k nmn nla mahatian. nkksma dn ng luob yn mga gnyan na hnd mkaintndi ng sitwasyon ng pamilya. ska bago k naman cgro mbuntis mamsh alm nia n gnyan gngwa at responsiblidad mo sa bhay

VIP Member

ang tanong pag lumipat b kyo sya mgbbyad ng bhay and all? yun mga lalaki tlga hnhtian mo na sa responsibilidad nla, andmi pang sabi. samantalang sa gawaing bahay hnd k nmn nla mahatian. nkksma dn ng luob yn mga gnyan na hnd mkaintndi ng sitwasyon ng pamilya. ska bago k naman cgro mbuntis mamsh alm nia n gnyan gngwa at responsiblidad mo sa bhay

Câu hỏi liên quan

Câu hỏi phổ biến

Những bài viết liên quan