diaper rash
ano po pwd gamot sa diaper rash,konti pa lang sya kagabi nung nilagyan ko ng petroleum lalo dumami ?
Calmoseptine po ang pinaka effevtive .kasi yan po ang lagi nilalagay sa pwet at singit ng baby ko...yan lang recomenda ng pedia ng anak ko....subok ko nman na yan . 2yrs old n baby ko yan pa din gamit ko...at saka pag kalagay ku ng calmoseptine eh nilalagyan ko ng fissan naay nakalagay na anti baby rash pampers...mahapdi pa nman yan...lalo pag pjnawisan hindi mapakali at iyak ng iyak ang baby pag ganyan....ang ginagawa ko pag malala ung rashes nang baby ko.kinakapalan kung ng pahid ng calmoseptine..at bibudboran kung fissan powder..para pag umihi eh hundi basta basta mahpdi sa balat ba may rashes.example ngayong nagkaganyan baby jo...nilalagyan ko agad ...at sa gabi bago matulog palit agad ng pampers...kinabukasan medyo nabawasan na ung rashes n baby....basta lagi mu lang palitan ng pampera mami ,wag munang antayeng puno.at saka kahit hindi puno ung pampers eh magkakarashes padin lalo pag mainit ang panahon at pawisan tlga ang pwet dahil sa kulong ...panatilihin mo pong tuyo ung pwet nya....paypayan mo lagi ung pwet nya para d pawisan....mahirap din kasi mag hindi mabawasan ....kumakalat din po yang rashes.
Đọc thêmGanyang ganyan sa baby ko mamsh. Nakakaawa nga kasi iyak siya ng iyak kasi siguro nahahapdian. Maya't maya ko siya pinapalitan ng diaper kaso lumalala, gumamit din ako ng no rash. Ang ginawa ko, nilagyan ko ng gawgaw. Dinmihan ko paglagay dun sa affected area tapos lampin lang ang ginamit ko ng 1 day para mapahinga pwet niya. Ayun, medyo okay na ngayon mamsh, medyo kumokonti na ang pamumula. Bumili rin ako ng drapolene, ayun na yung nilalagay ko sa kanya ngayon.
Đọc thêm3ggrd
Momshie, wag mo na lalagyan ng Petroleum jelly. Mainit yan sa pakiramdam. Wag din baby powder. During your spare time, lampinan mo lang sya. As in traditional lampin. Kada wiwi, hugasan mo ng water. Pag poop, water and Cetaphil Gentle Skin Cleanser. Pag sobrang alinsangan, hayaan mo lang na walang suot for about 30 minutes to 1 hour. It will be a little messy pag biglang umihi or dumumi. Pero ganyan lang ang ginagawa namin.
Đọc thêmmommy, don't use petroleum jelly 🙁 Kay baby kapag nagkakarashes (which is madalang naman po), effective po yung Rash Free from her pedia. tapos frequent palit ng diapers kahit hindi puno para iwas rashes lalo na ngayon na mainit panahon. make sure din po nawawash/nalilinis ng maigi every diaper change para sure na walang wiwi or pupu na maiwan sa skin ni baby.
Đọc thêmPetroleum jelly lang po nilalagay ko sis nawawala din agad. Baka need mo magpalit ng ibang brand ng diaper baka di hiyang si baby or kaya matagal ko bago napapalitan na Abad sa ihi at pupu na ang pwetan niya... Hmmm madalas mo dapat palitan wag ka mang hinayang sis may alam ako murang diaper sweetbaby try mo sa kanya kawawa naman kasi pulang pula.
Đọc thêmMaigi sa umaga cloth diaper nalang gamitin mo kay baby baka naiinitan siya sa diaper then sa gabi nlng diaper use tas kahit ihi lng makita mo diaper pero medyo puno kahit alang Pops palitan mo na sis
Drapolene po or ask sa pharmacy ung cream na may zinc oxide content. Maganda po sa rashes yun. Wag po petroleum kasi mainit yan e. Then rest once in a while sa diaper. Ung acid po ng urine or feces causes irritation by friction to the baby's sensitive skin, causing rashes.
Calmoseptine po. Try mo din warm water, basain mo yung malinis na tela tapos dampi dampi mo sa affected areas. Tapos warm water din at cotton sa paglinis kay lo. Wag ka muna gagamit ng wipes. And make sure po na dry na yung diaper area bago lagyan ng diaper.
Wag na wag kana po gagamit ng petreulom jelly momshie Yan lang po tlga ang calmoseptine po tlga ang eefective at fissan na pulbo.....at saka iwasan mo pong pawisan ang pwet n baby....mas mabilis gumaling pag walang pawis....
Momsh hindi advisable ang peteolium kasi mainit ang panahon. Ang nireseta sakin ng OB ko Eczacort. Maganda siya for sensitive skin nawawala agad pamumula, for all skin problems siya safe din siya sa face ni baby pag may mga butlig2.
Pwede din Rash free ng tiny buds. Nilalagay ko din yun sa insect bites at effective siya.
Lagi niyo lang po hugasan at punasan ng warm water at baby bath soap para maalis po ung mga bacteria na nag ccause ng infection.. wag po apply ng petroleum jelly dahil mas nag ccongest ang mga bacteria sa moist area..
Mum of 2 playful son