Ano po kaya pwede kong gawin? Ayaw na kasi kumain ni LO ng solid food simula nung nagsuka sya. One time kasi nagsuka sya ng apat na beses. Mashed avocado yung kinain nya nung umaga. Bandang 1pm, nagsuka sya. Then 1:30pm nagsuka ulit. Nanghihina na sya nun kaya nakatulog sya saglit. Paggising nya ng 2pm, nagsuka ulit sya. Tapos after 10mins ata, nagsuka ulit. Pero kakaunti na lang. Then dinala na namin sya sa pedia. Ang sabi, baka daw hindi natunawan. Pero wag daw ako matakot magpakain basta unti unti. Niresetahan sya ng gamot. Kinabukasan triny ko pakainin si baby. Ayaw na nya kumain hanggang ngayon. Minsan naduduwal. Minsan dinudura lang nya kinakain nya. Gatas ko na lang ang gusto nya.
Please help me mommies. Salamat ♥️
Mayvelyn Dedoro