Rashes problem
ano po kaya pwede igamot sa rashes ng baby ko lalo po kasing dumadami eh. Salamat. #firstbaby #pleasehelp #1stimemom
First, baka hindi hiyang sa diaper. Try mo muna maglampin sa umaga then magchange ka ng brand na diaper na magagamit mo sa gabi. Recommended brands are: Pampers premium, Huggies Dry and EQ Dry. Second, pwede ka maglagay ng ointment intended to treat diapera rash such as drapolene if may budget ka or Calmoseptine kung gusto mo affordable. Lagyan mo kada magpapalit ka ng diaper nya. Lastly, wag mo hahayaang mababad sa poop or wiwi. Change ka ng diaper every 2-3 hours. You may also try yung Cloth Diaper na tinatawag.
Đọc thêmhabang di ka pa nakakapunta sa pedia mommy, pwede mo itry yung In A Rash ng tinybuds. meron sa mga grocery. o kaya as first aid, breastmilk mo. basta advice ng pedia ni baby ko, wag petroleum jelly kasi mainit yun, zinc oxide ang prescription nya pero yung in a rash cream na ginagamit ko zinc oxide free kasi all natural, ok naman kay baby
Đọc thêmtry mo drapoline. effective siya sa baby ko. tapos tuwing magpapalit ka ng diaper, sabunin mo para matanggal yung bahid ng wiwi. atsaka ang ginagamit ko palagi warm water. tapos, check mo din baka hindi siya hiyang sa diaper. magpalit ka ng brand tapos observe mo kung mawawala ang rashes niya.
Try niyo po to. Na prevent niya yung rashes ng baby ko. Nilalagyan ko siya at night or twice a day kasi ayoko naiistorbo sleep niya sa pgpapalit ng diaper kasi nahihirapan siya bumalik sa tulog kaya minsan natatagalan palitan kasi inaantay ko gumising, still no rashes naman thank God🙂
Calmoseptine and drapolene effective po sila. Nagkarashes din baby boy ko yan lang ginamit ko. Una muna drapolene then papatungan ko ng calmoseptine. Ayun okay na si baby boy ko. Then Tiny buds in a rash naman every diaper changing para protection nalang.
mas makakabuti po na ipacheck up nyo po sya para mabigyan ng antibacterial...ksi pag severe n po paulet ulet na..bawal po ang wipes at kung pwede po lagyan nyo ng lampin ung ibabaw ng diaper.. baby bar po ang ipang sabon nyo s pwet nya ska tap water
hello momsh baka po makatulong ang article na ito sa inyo, https://ph.theasianparent.com/gamot-sa-diaper-rash pero momsh tanong niyo pa rin sa pedia niya kung anong pinaka-best para kay baby :)
Đọc thêmMommy nag ka ganan din po ang anak ko at paulet ulet po .. pinagbawal po sa knya ang egg fish at chicken... may reseta po n anti biotic.. Virlix pra po sa kati may oitment po at powder.
Calmoseptine pinaka mura na pwede ilagay pero kung may budget ka try mo sudocrem or mustela pero mustela mas mabilis makabili ng authentic kesa sudocrem lalo kung sa online mo oorderin
Di ko pa nararanasan to sa baby ko but for me try to consult your pedia na mommy. para mabigyan ng tamang gamot. mahira magtake ng risk iba iba naman po kasi ang baby natin 😊😊