pusod
Ano po kaya dapat kong gawin yung pusod po kase ng baby ko may mabahong amoy na parang pupu.? Hindi pa naman naalis ang pusod niya 5 days old palang po siya
Dapat po iingatang di mabasa ang pusod while nagbabath kay baby lalo na at di pa po tuyo. 1 week lang kasi tuyo na yung pusod ni baby, and natanggal na. Araw araw lang po linisin ng cotton ball with alcohol. Anyways, pacheck po to prevent further complications if theres any.
Linisan mo ng cotton buds with 70% alcohol moms 2x a day.. Lalo na after maligo kc nalagyan Un ng tubig.. Wag ka matakot I pasok sa loob paikot ung cotton buds para madis infect hanggang loob.. Mabilis lang matuyo pag ganun at matatanggap agad pusod nia
Alcohol lang momsh. Si baby 1week tanggal na pusod nya diko na binigkis para matuyo agad saka nababasa namn sya pagpinapaliguan ko after nya maligo nilalagyan ko alcohol .bilis lang natanggal
hindi po nalilinis ng ayos yun ilalim ngkaganyan baby ko dinala ko po sa pedia buti naagapan dahil going to infection na po yan. after pakalinisin ng pedia may ointment na pinalalagay.
Pa check up mo na po sis.. bago pa mainfect ng tuluyan.. may nilalagay mga pedia dyan para mwala.. tapos every day po yan nilalagyan ng alcohol.. 3x a day po.. para matuyo..
kada palit po ng diaper kelangan linisan niyo din po puson niya ng alcohol 70%solution para mapabilis po ung pagtanggal... kelangan po hindi natatakpan ung pusod
3× a day po dapat linisan, cotton buds na may alcohol 70%,linisan hanggang loob ng pusod paikot,para matnggal ang dumi.at iwasan mabasa ang pusod ni baby
Ung sa baby ko d parin natanggal pusod 10days old na siya pero wala amoy araw araw ko din nililinisan ng cotton balls na may alcohol tpos pinapatakn ko rin
Cont. Po linisin sis ng alcohol plus cottonballs after maligo.. plus pa check up n din. KC my amoy na..means my possible infection n siya. Sna Hindi..
Ako Hindi ko ginagalaw pusod ni baby patak patak lang ng alcohol araw araw isang beses tapos 7 days natanggal na sobrang smooth ng pagkakatanggal