ano po kaya ang dahilan bakit hndi nawawala ang subchorionic hemorrhage ko? kht may pampakapit nmn

ano po kaya ang dahilan bakit hndi nawawala ang subchorionic hemorrhage ko? kht may pampakapit nmn

2 Các câu trả lời
 profile icon
Viết phản hồi

mi nagpapahinga kaba at the same time? like iwasan ang pagbabyahe, pagkilos kilos, o gumawa ng mga gawaing bahay na ikapapagod mo lalo na mga mabibigat na gawain? kung hindi ka tumitigil sa mga ganyan, ayan ang reason kung bakit hindi nawawala ang subchorionic hemorrhage mo. Ako nung nagkaroon din ng subchorionic hemorrhage at 5weeks, uminom din ako pampakapit at sinabihan ako ng OB ko na iwasan muna ang hindi naman importanteng pagbabyahe. Tapos may friend ako na naunang magbuntis sakin na nakaranas din ng subchorionic hemorrhage at sinabihan sya ng OB nya na mag bed rest. kaya ako nag bed rest nalang din kahit hindi naman direct na sinabi ng OB ko yong word na yan. ang sabi lang ng OB ko iwasan muna magbyahe dahil matatagtag daw ako. pagbyahe lang ang sinabi. pero dahil priority ko ang kaligtasan ni baby, husband ko narin mismo nagsabi sakin na mag bed rest nalang din tutal two weeks lang din naman ang binigay na pampakapit.. so sinabayan ko ng bed rest. lahat ng gawaing bahay ultimo paghuhugas ng plato, si hubby ko na muna. minsan dadalhan nalang nya ako ng food sa kwarto para hindi na ako tatayo pa. Tatayo lang ako pag gagamit ng CR. Awa ng Diyos after two weeks na pampakapit at bed rest, nawala na ang subchorionic hemorrhage.

Đọc thêm

Need po nyan fully bedrest, pinag bed pan pa ko ng ob ko kada iihi para d na ko tatayo sa higaan. Ligo at poop lang pwede bumangon. Almost 2 months din akong naka bedrest