😒😒😒😒😒

Ano po gagawin niyo kapag may nahuli kayong ka chat na iba ang mister niyo?

66 Các câu trả lời
 profile icon
Viết phản hồi

lagi naman siyang may kachat. pero lahat workmates at barkada at pinsan niya lang 😂. Anyway, kung mahulihan ko siyang may kachat na ibang babae na parang nakakapalagayan niya ng loob at puro personal ang topics nila at nagbibiruan, first checheck ko muna kung sino ang naunang magchat. 2nd kakausapin ko partner ko at itatanong kung sino yung babaeng ka chat niya at bakit ganun ang mga topics nila. 3rd ipapaalala ko sa kanya ang usapan namin na di namin kailangang magshare ng problems and stories sa ibang tao dahil present naman ako para sa kanya every time. at syempre sya din. actuallu sa kanya nanggaling ang rule namin na to. kaya I will get disappointed talaga pag siya pa ang mag break ng rule na to. anyway, ako ang first gf ng partner ko at the age of 25 dahil napakaresponsable niyang lalaki. ayaw niya daw magkagf noong estudyante palang siya dahil ayaw niyang sa parents at ate niya oa siya hihingi ng pangdate. also, ako palang ang unang babaeng nakakausap niya sa chat at nakakatawagan ng may halong landi. nilandi ko eh tbh 😂. crush ko na kasi siya at confident ako sa sarili kong mapapasaakin siya. kaya eto live in na kami and have a baby girl na. anyway may anak nako nung 16 years old pako. pero tinanggap niya ang past ko. kaya iniiwasan ko lahat ng bagay na ikakasama ng loob niya o ikakasira ng relationship namin dahil pinaghirapan ko siyang landiin mapasaakin lang siya 😂. buti nga nagpalandi din eh kahit hirap ako to the max 😂. anyway back to the topic, kung sakali mang I confirmed na he cheated on me, kahit nangako nako sa sarili kong siya na ang magiging huling lalaki sa buhay ko, I will leave him. that's our rule. once na may magcheat saming dalawa there's no room for 2nd chance coz we both believe na once a cheater, always a cheater. Hihingi nalang siguro ako ng support financially para sa baby ko o di kaya sa kanila ko iiwan ang baby namin kung 8 years old na dahil unang apo at kaisaisahang apo palang to ng parents niya. mabait sila sa akin kaya di ko ipagkakait baby namin sa kanila. haba na ng imagination ko sa scenario. pero sana may natutunan kayong aral. ok bye. 😂

Đọc thêm

buti nga babae lang e pano kung bading? hahaha may pasend send pa ng private parts and video tapos si bading takam na takam pa in the end nabwisit ako di nya alam habang nasa cr ako after maligo ni hubby ko nagsesend na sya ng kung ano ano sa bakla monitored ko isang fb nya na nalaman ko password then sinave ko convo pic at video sinend ko ulit sa kanilang dalawa. si bading na nasa ibang bansa nagseen yata or ignored basta di nalang machat haha si hubby naman panay sorry nagawa lang daw nya kasi lack of financial kami and naggagamot din sya kakatanggal lang din sa work. Ngayon naman nakikipasada sya habang nagpapagaling incoming na din si baby 2months ago na nya yun ginawa mga 7months palang tyan ko kabuwanan ko na kasi ngayon medyo naging cold lang ako kay hubby since nangyari yun kaya palagi na nyako sinasama and monitored na talaga lahat ewan ko nalang kung uulit pa iniisstalk pa kasi sya ng ex nya panay react sa post nya

Đọc thêm

Ako wala naman ka chat puro family lng GC sa online sabong. may minsan nag chachat pero di nmn yung landian parang may tanong lng or sasabihin. Dati wala ako pake pero nung nabuntis ako ayun ultino pag add ng friend na babae at pag heart sa picture inaaway ko na. sinendan ko pa sya link nung outbound friend request sabi ko e delete mo na yang sinend mo friend request sa mga babae wag mo natayin ako pa mag bukas facebook mo. ayun binura naman. 12 hours pasok nya walang off kaya pag uwi konting ML konting youtube. kain tulog na agad. nka off parati data or mostly walang load at di naman nag dadala cellphone kung mag cr or lalabas except pag papasok sa work. bawal din cellphone sa work kaya panatag naman ako . In case mahuli ko sya if meron. Goodbye agad. ako pa nga bumubuhay sa knya (Mas malaki sahod ko) libre bahay aircon food and laba(laundry) tas lokohin mo pa ako? Kahit may baby kme paalisin ko talaga sya kala nya

Đọc thêm

same thing happened to me 😭😭 I confronted him una ayaw nya pa umamin, I even gave him chance na mag explain but he denied it, umamin lang sya nung nagpakita nako ng proofs, I made him realize how deeply affected I was. I showed him na I was the bigger person at sinabihan ko sya n Alam nya na Yung Tama at mali na hndi ko kelngan palakihin Yung issue but everything else is up to him dahil matatagalan bago bumalik Yung tiwala ko. same everyday routine for me, I was hurt Kaya I don't feel the same towards him

Đọc thêm
3y trước

same feeling po. Ngayon medyo ok kami pero naging cold ako sa kanya since nakagawa sya ng kasalanan binubuild naman nya ulit pero nakakatrauma kaya no choice sya kundi palagi akong suyuin pero still cold pa din ako sa kanya tignan ko yung fully developed na sarili nya if kaya nyang maghandle ng real relationship lalo palabas na si lo

Thành viên VIP

may mga ka chat ang asawa ko usually pinsan, barkada, workmates pero may babae rin minsan pero tinatanong ko siya ng diretso "si ano nag message ah, may gusto ka ba dun or may gusto siya sayo" sabay ssgutin niya ng hindi tapos na ung conversation... tinitignan ko rin ang fb messages niya and text just to make sure minsan pag napapansin namin na nagttype ang isat isa we ask kung sino ang kachat... ganun lang

Đọc thêm

nahuli ko sya 2 times na , nung una , sorry sya ng sorry binigyan ko ng chance, ung pangalawa nung nag start na sya mg work sa grocery store, ka trabaho pa nman , nahuli ko na nman , mas worst pa nga yun , kaya ayun confront agad , wala ng paligoy ligoy, sabi ko pa nga , kung di ka titigil sa ganyan, uuwi ako saamin , buntis na ako nun , hiniwalayan ko , kaya ayun di na inulit , haha patagamon uy ,

Đọc thêm

dinidiretso ko siya mommy. hindi ako nag totolerate ng ganyan.. sinasabi ko rin "ng papacute ka kay --- ah." gusto mo b yun? " haha medyo strong kasi personality ko kaya sinasabi ko na agad pag nag loko siya bahala n siya. kaya ko nmn buhayin anak ko.. at professional din nmn ako so walang mawawala. 😉 perks ng independent ka financially sa asawa..

Đọc thêm

yung akin ex gf nya.. tinanong ko sya ano ang hindi nya makalimutan dun sa girl.. sabi ko sa kanya na dun nalang sya sa ex nya para hindi nalang sya mahirapan na palihim mag chat sa kanya.. total hindi din naman nya makalimutan.. kasi paulit ulit nalang nya nakikibalita sa kanya.. tapos nung nalaman nya na buntis ako.. sya na mismo nag block dun sa ex nya..

Đọc thêm

nahuli ng minsan nagkagulo na nga nung una abay inulit pa.abay nireport ko sa barangay at yung babae na malandi dko tinigilan!blocked niya ako.naghanap ako ng mga kamag anak nia at forward ko convo ng kpatid nilang malandi na makati na pokpok na laspag!talo tayo sa ganyang bagay kaya kailangang confront agad!walanghiya sila.ang lalandi!

Đọc thêm
Thành viên VIP

ako din nahuli ko ng away kami kng hndi pa ako buntis muntik na kami mg hiwalay kasi ayaw ko ng ganyan ee matino ako tpos lulukuhin mulang ako aie mabuti mag hiwalay para tapos ang problima pero naayos nman ksi tumigil na cya pero pag uulitin pa nya wla ng chance ibibigay tpos nah tlaga...