Hello. Ano po feeling nyo na kasama niyo sa isang bubong inlaws nyo? Ako po kasi naiilang. Simula nung umuwi sila dito samin galing probinsya, naiilang na po ako kumilos dito sa bahay. Pati anak ko hindi makapaglaro freely dito sa bahay kasi konting ingay lang niya, sinasaway na ni FIL bago ko pa masaway. At the same time, feeling ko wala akong autonomy sa asawa ko pagdating sa pera unlike before na ako lang nagba-budget. Ngayon, kahit binudget ko na lahat, magtatanong pa kay MIL pag mamalengke kaya sira ang budget at walang natitipid, madalas pa may utang. Nakakainis lang kasi yung ate naman ng asawa ko nagpauwi sa parents nila dito sa manila pero samin nila pinauwi, wala pa binibigay na budget pang pagkain ng magulang nila kaya sagot namin lahat kahit puro na kami utang. Kinausap ko na rin si hubby tungkol dito, ang sagot lang sakin, need daw namin tumulong at kahit daw lumipat pa kami ng bahay kasama pa rin daw parents nya. Jusko! Okay naman buhay ng mga inlaws ko sa probinsya tas pinauwi uwi ng ate nya tas kami yung nahihirapan pagdating sa bills pati needs ng anak ko nakokompromiso. Haaay.