CS experience
Ano po experience nyo maCS? Balak ko po kasi magpa schedule na ng CS dahil madami ang amniotic fluid ko and may tendency daw po ma cord coil, natatakot po ako, just want to hear your stories #1stimemom #firstbaby #advicepls #pleasehelp
emergency CS po ako dahil sa late deceleration (decrease in baby's heartbeat kada contraction). wala akong naramdamang sakit mula dinala ako sa operating room. pinabend nila ako ng sobra para mainjectionan, after nun wala na. pinatulog na din nila ako. pagkagising ko, tapos na. hahaha. tinabi na sakin anak ko then nilipat na ako sa room ko. ang mahirap and masakit na part nung nagsubside na ang anesthesia. mahirap na kumilos, masakit kapag tumatawa at umuubo. mahirap din magwiwi at magpoop. pero sa case ko, 1 week lang lahat nakarecover na ako. sa 1st week na yun, nabubuhat ko na si baby and nakakalakad na ako ng maayos. ang mahalaga momsh, maging safe kayo ni baby. if i-advise ng OB mo na mag sched CS na kayo, go na momsh. kasi for you and your baby naman yun. mas mura pa pag sched CS kesa emergency CS.
Đọc thêmemergency CS here dahil po di nag open cervix ko and leaking na po water ko tapos stuck 3cm parin. Based on my experience, pag nawala na yung bisa ng anesthesia masakit talaga yung tahi mo lalo na pag uubo or babahing pati tumawa. Yung pinaka mahirap at masakit na part yung magbe-bend ka kahit malki tyan mo tapos tuturukan ka sa likod. Wala na akong nafeel after maturukan, while ongoing ang operation nakatulog ako at nagising nalang nung nasa recovery room na ako tapos nasa tabi ko na baby ko.😅 dika pwedeng uminom at kumain hangga't dika nakaka dumi at umuutot. Kailangan mo talaga ng suporter para makagalaw ng maayos and need mag dahan dahan para di bumuka ang tahi. 1week lang ako nag-recover, nakakalakad nako ng maayos at nabubuhat ko na baby ko pati nakakaligo na ako mag-isa.
Đọc thêmBased on my own exp, schedule CS is not so painful compared to emergency CS. repeat CS ako. 1st born ko is emergency CS npkasakit kasi i went thru induce labor. My 2nd is scheduled CS na, same birthdate pa sila pra isang gastos nlng sa bday celebration nila.. Good thing sa schedule CS is u have time to get ready & prepare & choose ur desired DOB. Healing process it depends po, naglakad lakad ako agad pra mdali mka recover, un kasi adv ng OB ko. after 3weeks hindi na ako na binder.bsta avoid lifting heavy lng. kaya yan momsh! Goodluck po & pray lng for fast recovery.
Đọc thêmemerergency cs din ako laki kasi ng baby ko nun.. 6weeks kang hirap kumilos dahil konting galaw mo kumikirot yung tahi mo.. tapos side effect pa ng cs hihina na ang pwersa mo, laging masakit ang likod mo kpag matagal kang nakatayo at nakaupo,makakalimutin kna at kpag malamig nangangati ung scar ko kasi nag kheloids sya..
Đọc thêmmore painful than normal... for me.. although di ko naranasan ang normal... ang normal deliv kc isang araw and one time lang mafeel mo ung super pain, ung sister ko after 3 days nakakapaglaba na..pero ang cs, nako, it took me 3weeks to a month, suffering pain and limitation of movement.. lalo na sa pag higa, wiwi, tae.. haayyy
Đọc thêmsakin po di rin naman masakit. ecs din ako, kasi ayaw bumaba ni baby tas lumabas na ung panubigan ko kulay yellow. baka daw napupu na si baby at stress. nahirapan lang ako nung unang tayo, parang ngalay ung lower body ko 😅 after nun ok naman, gang sa nakauwi kami wala naman naging prob..goodluck po. pray lang po 😊
Đọc thêmme oks lang naman mommy nong na cs ako. ang struggle lang pagkatapos ay hindi ka makakilos masyado dahil tahi. bawal na mag buhat ng mabibigat. magiging makakalimutin kana at iindahin muna ang ngalay sa likod mo. but its ok. importante mailabas si baby ng maayos at safe kayo pareho. 1year na din akong CS.
Đọc thêmhindi ko lang sure sa amniotic fluid pero sa experience ko sa 2 kong anak, pareho silang may cord coil at wala naman naging prob sa pagdeliver ko. pareho ko sila nailuwal ng normal. Mas maganda na magnormal delivery lalo na kung maliit lang si baby kasi mabilis ka lang din manganak.
ako mommy emergency cs kase ayaw tlga lumabas ni baby pero nakikita na nila ung ulo un pala nakatingala sya , kaya danas ko ung labor na malala 😅😅 s umpisa mahirap tlga ma CS dahil sa tahi pero dapat maingat ka maraming bawal pero worth it naman lahat para sa baby naten ❤️
Ako bukas na sched ng repeat CS ko, sa una kong baby mahirap lang talaga kumilos sa unang week, basta lagi mo lang suot binder mo and always clean your sugat 😊need mo din maglakad lakad para bumilis yung paggaling mo 😊 Goodluck mommy! 😊