Sensitive Skin
Ano po effective na gamitin para mawala yung nasa face niya, every naman sya nagbibihis and nag papalit ng sapin pero dumadami nasa mukha niya.. thank you sa sasagot..
Wag na muna lagyan ng mga kung ano , ung gatas ng dede mo sa umaga un ang ipahid mo sa kanya gamit ang bulak, kc sabi ng nanay ko may antibiotic dw and breast milk.
Mommy kami dipa namin sinasabn ang mukha ni baby pinapa warm water bath lang yung face ni baby para didaw magka rashes at thankful kami di po nagkaganyan si baby
Linisan nyo po ng Cetaphil gentle cleanser lagay nyo po sa bulak na may tubig po na maligamgam Yun po ilinis nyo say muka at leeg ni baby matatangal po yan
Natural lang sa newborn yan mommy..mawawala din po yan try mo po petroleum jelly wag lang po sa may bandang eyes nya yan po kasi sakin NG pedia NG anak ko
Pa check up po sa pedia para sigurado kasi po iba iba baby natin😊baby ko before from lactacyd to cetaphil tapos may cream na pinalagay c doc😉
Mommy ku g pure breast feed po kayo wag muna kayo kakai ng Chicken,Fish and wag anything malansa. Ganyan din po si baby ko noon now makinis na po sya
Switch mo sabon nya mommy bka hindi cya hiyang..try mo po tiny buds rice baby bath safe yan sa sensitive akin coz its all natural. #good for my rdrea
Lactacyd po gamitin nyong gamot sa LO nyo. Nagkaganyan din LO ko lactacyd lang nagpatanggal at araw araw ko din syang pinapaarawan
Consult nalang po tayo sa doctor para malapatan ng karampatang lunas... sensitive yung skin ng bata at ayaw nating palalain ito
Tulog lang sis na malamig punasan mo with cotton ball and water tapos wag mo sasabunan ang face ni baby para di ma iritate
Sabi kasi ng pedia ng baby ko di daw nilalagay ng kahit na ano ang mukha ni baby even maligo sya wag daw sabunan kasi nakaka irritate sa mukha ng baby.
estudyante sa araw, nanay buong araw