Addict Sa Mobile Legends
Ano po dapat gawin sa mga husband na sobrang addict sa paglalaro NG ML. Yung tipong hangang hating gabi na halos maglaro. May way Kaya pano mahack or Ibang Paraan Para matigilan na Yung paglalaro kasi wala napo syang time samin. Salamat. Don't judge po Sana. Hingi Lang po ako NG advice. Stress napo ako. 4mos preggy po

Unang tanong po, may work naman po ba si hubby? If no at patambay tambay lang siya, aba, hindi maganda yan. But if the answer is yes at kumakayod naman siya para itaguyod ang pamilya niyo, then let him be po. That's their way of releasing their stress, kaysa po ang mambabae sila. I'm on my 3rd trimester na, hindi na po ako nagwowork kaya si hubby talaga ang pagod sa trabaho. Pag free time niya, rest day or gusto niya maglaro, hinahayaan ko lang siyang maglaro sa computer namin. Wag niyo po siya pigilan basta wala po siyang ginagawang mali. Magkaiba po kasi talaga characteristic ng babae sa lalaki, hindi po lahat ng girls eh gamers at mas maaga tayong magmature, unlike sa boys na majority sa kanila eh gamer hehe.. Also, make sure pa rin na you make time for each other. Like for example, pag oras na ng kain, tinatawag ko siya para sabay kami. Or habang nagluluto palang ako, sasabihan ko na siya na malapit na tayo kumain kaya wag ka muna mag-enter ng isa pang game, after meal nalang. Madalas pa po na pinapanood ko habang nagdo-DOTA siya, (support kumbaga. Charot 😂) habang naglalaro siya tinatanong ko kung anong nangyayari until naiintindihan ko yung laro kaya tuwing pinapanood ko, nakaka-relate na ko, minsan sabay pa kaming mangtatrashtalk, parehas kaming masaya, may bonding pa kami. Hehe.. Ayun po, ganun ko po dineal yung pagiging gamer ng hubby ko. Ang mahalaga eh hindi po siya nambababae, sugarol, adik or what not. 🙂
Đọc thêm
a mommy of one chubibo chinito 👶