Addict Sa Mobile Legends

Ano po dapat gawin sa mga husband na sobrang addict sa paglalaro NG ML. Yung tipong hangang hating gabi na halos maglaro. May way Kaya pano mahack or Ibang Paraan Para matigilan na Yung paglalaro kasi wala napo syang time samin. Salamat. Don't judge po Sana. Hingi Lang po ako NG advice. Stress napo ako. 4mos preggy po

40 Các câu trả lời
 profile icon
Viết phản hồi

Unang tanong po, may work naman po ba si hubby? If no at patambay tambay lang siya, aba, hindi maganda yan. But if the answer is yes at kumakayod naman siya para itaguyod ang pamilya niyo, then let him be po. That's their way of releasing their stress, kaysa po ang mambabae sila. I'm on my 3rd trimester na, hindi na po ako nagwowork kaya si hubby talaga ang pagod sa trabaho. Pag free time niya, rest day or gusto niya maglaro, hinahayaan ko lang siyang maglaro sa computer namin. Wag niyo po siya pigilan basta wala po siyang ginagawang mali. Magkaiba po kasi talaga characteristic ng babae sa lalaki, hindi po lahat ng girls eh gamers at mas maaga tayong magmature, unlike sa boys na majority sa kanila eh gamer hehe.. Also, make sure pa rin na you make time for each other. Like for example, pag oras na ng kain, tinatawag ko siya para sabay kami. Or habang nagluluto palang ako, sasabihan ko na siya na malapit na tayo kumain kaya wag ka muna mag-enter ng isa pang game, after meal nalang. Madalas pa po na pinapanood ko habang nagdo-DOTA siya, (support kumbaga. Charot 😂) habang naglalaro siya tinatanong ko kung anong nangyayari until naiintindihan ko yung laro kaya tuwing pinapanood ko, nakaka-relate na ko, minsan sabay pa kaming mangtatrashtalk, parehas kaming masaya, may bonding pa kami. Hehe.. Ayun po, ganun ko po dineal yung pagiging gamer ng hubby ko. Ang mahalaga eh hindi po siya nambababae, sugarol, adik or what not. 🙂

Đọc thêm

Relate. Haha ganyan din hubby ko.. Minsan nakakatampo kasi gusto ko iparamdam ung pag sipa ni baby sa tyan ko, hahawakan niya tyan ko pero madalian lang kasi naglalaro siya. Pag rest day niya, ni hindi niya man lang makausap si baby ko, o kahit hawakan tyan ko. Kaya kagabi, naglabas talaga ko ng sama ng loob sa kanya. Gusto ko lang naman i-share ung happiness ko pag gumagalaw si baby sa loob ng tyan ko. Sana kahit papano mag laan din siya ng oras para sa bonding namin. Minsan kasi pag di ko pinipigilan, whole day talaga siya ML. Nakakapikon na din. Hehe pero sa kabilang banda, hinayaan ko din kasi siya kasi pang tanggal stress na din sa work niya dahil sa BPO industry siya nag wwork.

Đọc thêm

Si hubby ko din nman hilig maglaro actually adik kaming dalawa sa ML nung di pa ko buntis. Pero kasi ngayon di ko na kaya maglaro madali mahilo.. Pinapabayaan ko lang sya.support mo lang sya momsh.. Mas ok n yan kesa makipaginuman sa barkada yan atleast nakikita mo nasa bahay lang.. Pero minsan nagpaparinig ako na walang nagmamahal sken ng pabiro😊..tapos minsan nagpapapansin ako hihiga sa hita nya.. O kaya lalandiin ko sya ganun.. Wag mo sya awayin pagnaglalaro sya mababadtrip yan sayo mag aaway lang kayo...

Đọc thêm
Thành viên VIP

You're not alone. Gannyan din hubby ko. Nong First trismester ko lagi ako stress sa kanya inaaway ko lagi dala na din siguro sa mood swings sa pagbubuntis kase ako din dati adik sa ml kaya naiintindihan ko siya . Pero mommy kailangan pa din natin silang pagsabihan pa pero dahan2x lang makikinig yan lalo na magkaka anak kau. Ngayon lagi naglallaro hubby ko pero ginaggawa muna niya mga gawain bago mag laro .Just take it slow mommy wag ka padala sa stress .

Đọc thêm
5y trước

Muntik na kami maghiwalay dahil dyaan! Haha dahil nung first tri ko di ko alam buntis pala ko. Tapos sya puro sya laro minsan ko nalang makausap kasi graveyard ang shift nya. Kaka-ML nya nawawalan na sya ng oras sakin, tapos ako syempre nag iinit ulo at nagagalit talaga. Nakipag hiwalay na ko sakanya. Buti di ako sinukuan. Haha 2nd tri na nung nalaman ko buntis ako 😂😂

Thành viên VIP

Hubby ko ganyan din. Sobrang adik. Pero sakanya naman.. Magpapaalam muna sya bago sya maglaro. Pero pag yung pamangkin ko kalaro nya, pinapabayaan ko nalang. Sa gabi din naglalaro sya, pero hinihintay muna nya ko makatulog bago sya maglaro. Sa sobrang adik nya dun, nakikipagpustahan pa yun. Pero hindi naman ganun kalaki. Okay lang sis yung paminsan minsan bigyan sila ng kalayaan sa mga hilig nila. Pero syempre. Time management lagi 🙂

Đọc thêm
Thành viên VIP

Hi mommy. Heart to heart talk kay hubby. Sabihin kung ano ang ayaw mo. In my case, ganiyan din partner ko, pero hindi sa laro kundi sa gala. Pero he explained to me everything. Nasa stage kasi sila na sinusulit na ang pagiging binata. Hinayaan ko muna. Pero after kong manganak at magkababy, lahat ng gala niya sa tropa e tinatanggihan na niya. I am a player of ML. Kung tutuusin, nakakaadik maglaro mamsh. 😅

Đọc thêm

Relate ako sis hahaha husband ko pag uwi galing work kakain lang kame saglit then maya maya mag e ml na sya pero i let him to play naman kasi nabibitawan naman nya ang cp pag napapansin nyang nag tatampo na ako, hayaan mo na lang sis kung ml lang naman ang kina adikan mas maigi ng sa laro lang maadik at sa cp lang wag lang sa babae/alak/yosi okay lang yan basta nakikita mo naman kinikilos nya.

Đọc thêm

Mag sasawa din yan mamsh hahaha ganyan din kami ng asawa ko. Nung mag gf/bf palang kami adik sya sobra gusto ko na ibato yung phone kasi di na namamanain pinag aawayan na namin tapos ginawa ko nag download din ako sinabayan ko sya hahaha ayun ngayon mas magaling nko sknya hahaha nag sawa narin kami pareho nag lalaro nalng kami pag sinipag or walang magawa

Đọc thêm
Thành viên VIP

Haaaayyy relate! Kaya pala nagrereklamo na masakit ulo, tapos sa work inaantok daw siya tuwing hapon. Ayun nahuli ko, 2am gising pa naglalaro pa, kaya pala ! Kung hindi pa ako nabangon at naihi, di ko mahuhuli. In-uninstall ko lahat gaming apps niya. 😤 Naglalaro din ako ng ML, pero I stopped nakaka stress kung natatalo. 😂😂

Đọc thêm

Kausapin mo siya sis regarding that matter, mahinahon sabihin mo yung concern mo about sa paglalaro niya. Kami kasi ng partner ko wala prob dyan, same kmi naglalaro. Pero netong buntis nako madalang na ako maglaro. Puro tulog ako, tapos siya kahit naglalaro siya pdin nagaasikaso sa lahat pagkain saing laba luto hugas hehe

Đọc thêm