28 Các câu trả lời
Ung pusod po ng baby ko wala po ko nilagay na kahit ano kasi lockdown ngaun walang mabilhan ng alcohol ung alcohol na pinrovide namin sa hospital hindi na binalik ayun gumaling naman po sya ng kusa nagulat na lang ung hubby ko nung pinapalitan ko sya ng diaper nasa taas ng tyan na nya ung clip kasama ung sobrang pusod nakatanggal na pala hehehe! 😁
After bath, kuha ka ng isopropyl alcohol and make sure 70% un. Ilagay sa bulak at ipahid sa pusod ni baby. 1 pahid sa 1 bulak lang then tapon na. Bawal ulitin ang pag gamit sa bulak. Bawal takluban dapat naka airdry para mabilis matuyo. Siguraduhin din malinis ang paligid ni baby at d madudumihan at madapuan ng mga insekto.
Alcohol bulak. Wag basta ilagay lang o.idampi. Ipunas mo medyp diinan mo buka mo yung pusod para makuha yung langib sa loob yung parang itim. Hanggat may nakukuha kang may dumi, ulit ulitin mo ang punas ng bulak. Tignan mo after 2 days tuyo yan.
After po maligo ni baby, dapat ma dry din po ang pusod. Kailangan po dry po palagi ang pusod. Wag po mababasa ng ihi sa diaper. Bawal po bigkis. Pwede po panlinis ng pusod 70% iso alcohol or distilled water sa cotton po.
70% alcohol mommy.. 2x a day.. lagay mo po sa cotton buds. Tapos dampi dami mo lang sa pusod.. wag nyo po damihan ng alcohol. Kac butas po yan.. sa taas lng po dampi dampiin nyo ng dahan dahan
Lagyan mo ng bigkis tas dun sa bigkis buhusan mo sya lagi 2 times a day ng alcohol pag papalitan ng damit or after maligo. , ganyan new born baby dito ng tita ko, 3 days lang tuyo na pusod ng baby
Every after bath cotton buds lang po i.clean nyo.let it dry wag nyo i.wrap ng cloth.or put a bit of alcohol (70% isopropyl) in the cotton buds and gently pat on the skin to clean
pagnililigo nyo po si lo, wag nyo po basain yung pusod nya... tapos maligo, patakan ng 3-5 drops lng ng isopropyl alcohol 70% hayaan ito matuyo...
Cotton ball na may alcohol 70% solution tapos dampi lang 2-3x a day better if after maligo then pag nagpapalit diaper
Alcohol po. At iwasan niyo po mabasa yung pusod kapag pinapaliguan niyo. Or pacheck up mo po.
Quira Villordon