Sa buntis hindi po pwede mainit, pwede maligamgam, bast siguraduhin po na hindi ito magiging dahilan para tumaas yung body temperature niyo.
Hindi safe para sa buntis ang mag babad sa sauna, hot tub, steam bath, lahat ng makakapag pataas ng temperature kasi magsasanhi po ito ng problems both sa mother at baby.
Naturally mainit na po yung katawan natin, at kapag nag mainit pa po tayo, hindi pa po marunong mag regulate ng temperature ang baby sa loob ng tyan, kaya makaka apekto yun sa baby. Kaya iwasan na lang po.
Tsaka po, sabi ng pinsan ko na naunang nag buntis sakin, habang palaki ng palaki daw po ang tyan natin, mas lalo daw po tayong maiinitin, laging naiinitan.
Millennial Ina