Try mong kausapin ng masinsinan. Kasi kung hindi nag-work ang pagiging galit sa tono ng boses, try mo naman maging gentle. Tanungin mo kung bakit ayaw niyang mag-share, bakit siya nananakit - malamang kasi gusto niya siya lang ang bida. Pero be firm in your discipline. Kung nangagat siya o nakipag-away, punishment na yan - but hindi ko sina-suggest na palo agad. Puwedeng time out lang o no TV o kunin mo sa kanya yung toy na nilalaro niya. Ang importante maintindihan niya na may punishment tuwing nagmi-misbehave siya - at may reward kung nabe-behave naman siya. So kung mag-share siya ng toy, i-praise mo kagad ng "Ay ang bait-bait naman ng anak ko!" Kung mag misbehave naman, "Hay naku, anak, Mommy doesn't like that ha. Hindi yan mabuting gawain." So just remember: be firm in your discipline, be generous with your praises, at kausapin mo ng masinsinan anak mo para maintindihan mo kung bakit ganun ang behavior niya.
Sa tingin ko mommy kada ungot ni kuya kapag may gusto sya ay bigay agad. Doon po naguugat ang pagiging brat ng bata yung give in tayo ng give in sa demand nila hanggang sa ma-control nila tayo. It's not too late naman, maging firm ka lang sa decision mo na a no is a no. Magbaon ka lang po ng mahabang pasensya kase hindi ito overnight mangyayari.
mraming salamat po sa advice mam..Godbless po
Promo terbesar expert care sudah dimulai, diskon hingga Rp.100.000 sedang berlangsung di shopee, ada juga voucher diskon 100% alias gratis bagi bunda yang beruntung. Buruan cek di https://shope.ee/9UfEMMqqTg (id-33632)
Cherry Galang