68 Các câu trả lời
ganito din po sakin 33 weeks preggy pero namamanas na yung paa ko. sabi sakin maglakad lakad daw tapos pag matutulog lagyan ng unan sa paanan na medyo mataas
babad mo Lang po Siya sa cold water for 1 hour and kapag mag sleep Ka parati dapat mataas or may tanday ang mga binti mo. sabayan Ng exercise at paglalakad.
34weeks din po ako and lucky at d po namamanas paa ko..lakad lakad lang po,make sure na elevated paa nyo moms.. and once a.while pamasahe ng paa sa mister
Pamamanas po.. Hindi pamamaga.. Dont get it wrong... Elevate your legs sis... Lahat kasi ng pressure nasa lower body mo na... Kaya nagkaka manas or Edema..
mommy kapag matutulog ka patong mo sa unan paa mo, ganun ginagawa ko thankful naman kasi hindi talaga ako nagmamanas 8mos na preggy.
normal po sa buntis ang magmanas basta wala nararamadaman masama at normal ung bp at ibang labs. mawawala dn naman yan mommy.
elevate mo paa m momsh,kung mtutulog ipatong mo paa sa unan dlwa ,yan po tinuro ng nurse s center at effective sya skin.
lakad lakad Po..tapos kapag ngpapahinga itaas ang paa..lagyan Ng support sa ilalim like unan. iwas din sa mga salty foods.
taas mo po paa nyo lagyan nyo po unan pagnatutulog po para mawal pagmamanas po and inom po tubig palagi
Ganyan din po ako sa first baby ko. Advice ni OB na i massage ang paa pataas then iwas sa salty and oily foods.