maselan na pagbubuntis
ano po ang gamot or sagot sa maselan napagbubutis? araw2 ako nagsusuka lahat ng kinakaen ko ?
Sakin nung first trimester ko pinamonitor yung pagsusuka ko kasi hindi na sya normal( sumusuka ako ng halos 10x a day) pinameasure sakin ng ob yung suka ko kung gaano karami then niresetahan ako ng gamot ( metoclopramide yun for nausea) pwede ka kasing madehydrate kakasuka or maubusan ng electrolytes kaya after ako resetahan nun sinaksakan ako ng dextrose. Nakakawala naman yung gamot. Simula nun hindi nako nagsuka. Hindi na pala normal yun.
Đọc thêmMonitor mo sis pagsusuka, ilang beses and gano karami pag feeling mo super dami na then contact ka sa OB mo. di pwede madehydrate. Drink plenty of water. Iwas ka sa food and amoy na nagtitrigger sa pagsusuka mo. Pwede ka mag candy. Tapos yung kain mo pakonti konti lang pero madalas or basta wag ka magutom. Tho di ko naexperience magsuka pero yan advice sakin ng OB ko nung 1st check up ko. 😊 sana magwork sayo.
Đọc thêmyes po salamat kahit nga po water sinusuka ko maam eh 😞
Normal lang po yan sis sa nagbubuntis malalagpasan mo din po yan by 2nd trimester :) maybe bumalik sa 3rd trimester kasi may tendency na bumalik ung pagkamaselan depende sa nagbubuntis
Normal lang po yan. More water para di madehydrate pag di ka tlga makakain kahit kumain ka lang ng skyflakes para di baba sugar mo at may laman parin tyan mo
ako ung nagsusuka ako apple lang kinakain ko, kapg apple kasi kinakain ko nawawala yung pagsusuka ko, tiyaka apple lang din ung d ko sinusuoa
kapag maselan po kapg nag blood spotting po kau, ung pagsusuka po normal lang po sya tawag po dyan paglilihi.. lilipas din po yan tiis2 lang
Normal lang yan sis ,ako dn ganyan buong araw asa cr lang suka ng suka di dn kumakaen .nawala lang pagsusuka ko nung nag 5 months tyan ko
Mawawala din yan by 3rd or 4th month. Have ample of fluid intakes para di ka madehydrate. Konti lang kainin mo pero madalas.
Hindi yan maselan kung suka ka ng suka naglilihi ka nyan mamsh. Ang masela.ung need mag bedrest kasi nagbleeding or dinudugo
alright po thanks
Natural lang po yan, try nyo po mainit na soup kahit paunti unti
ok sige salamat 😊
first time mum