Nakagat ng pusa ang lo ko

Ano po ang dapat kong gawin? Nakagat po ng pusa ang baby ko. Nagsearch po ako ng mga articles sa fb / google about sa cat na may rabis pero ni isa po dun walang nagpapakitang may ganing sintomas ang alaga kong pusa even that she has no vaccine ever since... Pero nagwowory po ako actually nakagat yung baby ko nung april26 up till now d ko pa siya napapabakina sabi kc ng kapit bahyay namin obserbahan ko muna yung pusa and after a week wala naman nangyari sa pusa like namatay daw.. ala daw nakuhang rabis si lo pero once na namatay yung pusa within that week or b4 mag isang linggo ehh pabakuna ko na si lo. 4 days na after nakagat si lo la pa rin nangyayaring d maganda sa lo ko. But still, nag aalala pa rin ako. Anyway first aid ko sa bb ko.. hinugasan ko kaagad yung kagat ng pusa then nilagyan ko ng bawang yun kasi turo sakin ng naging amo kong chief doctor kasi nakagat ako ng aso nila pero may vaccine yun. Pero syempre iba n ata kapag pusa tas alang vaccine.. please help me po kung ano po dapat kong gawin

Nakagat ng pusa ang lo ko
44 Các câu trả lời
 profile icon
Viết phản hồi

mi wag na antayin pa kung ano mangyayari sa pusa.. dapat nga within 24hrs na ngyari yan napaconsult mo agad si baby.. nakikita mo naman po kahit sa news kung ano pwede mangyari pag umakyat na sa utak ang rabies.. nasa huli po ang pagsisisi. punta mo na agad si baby sa Animal Bite Center.. sila na magsasabi kung ano ang dapat ibigay na sa anak mo since nung 26 pa pala yan.. nag aalala ka di ba po? kaya wag na makinig sa sabi Sabi ng mga kapitbahay.. kung ano mangyari sa anak mo di naman nila yan sagutin.

Đọc thêm
8mo trước

sa truu mi... nagwoworry or nagaalala pero di pa din dinadala...

mii nde mo po makikita ang symptoms sa 1 day lang meron po 1 months ago bago lumabas effect baby ko po nung nakagat ng pusa pinaturukan kopo talaga agad kase napaka delikado po pag nagka symptoms kana wla na mii mas mahirap un kase bibihira o parang wla na po kaseng lunas kaya dapat po maagapan within 24 hours dapat naturukan po siya ng firts shots mii wag po tayo pakampante na kesyo wla naman sign of effected rabies mag mahirap po iyon always keep our lo safe po ❤️

Đọc thêm
Thành viên VIP

Hi mi. I'm a nurse po. 14 days observation po ginagawa sa alagang aso o pusa na nakagat. If ever wala naman pong nangyari na kakaiba sa pusa, like nagwawala, takot lumapit sa inyo or namatay, ibig sabihin po nun walang rabies ang inyong alaga. For instances po na kinagat kayo ng inyong mga alaga, hugasan po ng malinis na tubig at sabon ang sugat. Wag pong lalagyan ng kahit ano ang sugat. Wag din pong subukang paduguin o sipsipin ang sugat.

Đọc thêm

mii wag ka po makinig sa sabi sabi ng kapit bahay dapat right there and there pabakuna na po, may mga alaga ako puro dogs pero nagpabakuna parin po kami kahit di naman po sila lumalabas and kahit hindi inborn ang rabies marami po tayo possibilities na dapat iconsider kasi baka mamaya nakagat ng ibang animals yung stray or alaga nyo sa labas, sa QCGEN may free vaccine sa animal bite center nila or sa animal bite center na malapit po sainyo.

Đọc thêm
Influencer của TAP

di na po dapat tinatanong kung anong gagawin pag nakagat ng pusa o aso, matic pabakunahan ng antirabies agad yan. prevention lang po ang pwede sa rabies, once may symptoms wala na po gamot yan. tagal na nagreremind mga health professionals about sa rabies, sa kapitbahay pa kayo makikinig.

See, wala kang peace of mind dahil di mo pinabakunahan agad at MAS naniwala ka sa kapitbahay mo. Lumalabas ang symptoms ng rabies sa tao kapag nasa end stage na at di na kayang agapan. Meron as late as 2 months bago lumabas ang symptoms pero end stage na. Di mo kailangan antayin ang symptoms sa pusa.

Đọc thêm

wala na pong antay antay yan, dalhin nyo na po sa emergency, hospital, clinic, pedia. sabihin po ang nangyari kay baby at paturukan nyo po ng anti rabies. Diyos mio maawa po kayo sa baby nyo, please po dalhin nyo na po agad. at sundin lahat ng instruction na ibibigay sa inyo

mas better po magpakonsulta ka mommy sa malapit na health center kung anong dapat mong gawin, kasi lalo ngayon ang daming balita about rabies., kung ako mas maganda pabakunahan para sigurado at walang worry sa mind. ingat mommy., kaya mo yan.

🤦🏻‍♀️ rabies is fatal mi ... nsa huli pagsisisi. ano profession ng kapitbahay mo mi...parang napaka reliable kc at sa knya ka pa nagpakonsulta ,🤦🏻‍♀️ pag may namgyari sa bata..iyak iyak..kapabayaan...

mi pa inject mopo si baby ng anti rabies po. di po agad nalabas ang symptoms minsan po bibilang ka ng months or year po bago lumabas ang symptoms. sa mga public hospital po libre ang mga pa vanccine ang anti rabies po😊