165 Các câu trả lời
parehong masakit kasi pareho kong danas sa panganay ko napakasakit ng ma induce ka tipong gagamitan ka ng gamot para mag labor ka ng walang palya in 7hours then hindi nman succeful i ended up emergency cs sa sobrang pagod at sakit ng pilit na labor d ko na naramdaman yung pagturok ng anesthesia sa likod ko. after madeliver ko ang baby ko by cs all in one ang sakit at hirap na dinanas ko.. dahil natuyuan ako nung pilnilit akong mag labor inubo ako at linagnat ako while in the hospital plus namaga ang almoranas ko ang sakit pa ng tahi ko. d ka pa pwede uminom ng marami at kumain
pareho lang.... 10 hours akong naglabor feeling ko nasa ibang dimension ako then nauwi din sa CS na parang kinatay ang pakiramdam dahil masakit at matagal ang pagpapahilom. But then... let's always put in our minds that we will never get less of a mother kung anong mode of delivery man ang pinagdaanan natin... one thing is for sure... we are amazing women because we are able to deliver a beautiful life in this world.
good eve mga mommy pang 3 baby ko na to kaso medyo kinakabahan parin ako sa nalalapit kong panganganak lalo na alam ko yung pain ng labor IN JESUS NAME dapat maging matatag ako pero may side talaga saakin na medyo naoanghihinaan ako medyo duwag kasi ako. lagi ko ngayon pine pray at sinasapuso dapat makaraaos nako kasi bglang babalik nanamn nararamdaman ko na takot pag PRAY nyo ko mga Mommy matapos ko ito ng safe
I think parehas. Sa normal delivery masakit ang labor at panganganak. Pero after ilang days mabilis ka na nakakakilos. Sa CS based sa ate ko at mga kakilala syempre walang pain sa labor since ndi pwede mag labor unless emergency CS nangyari. Plus may anesthesia and epidural naman kaya walang sakit manganak. After ang masakit kasi makirot ang sugat plus the fact na you need to attend to your newborn baby's needs.
Kamusta naman yung nag try inormal at naglabor ng almost 24 hours kahit fully dilated na, hindi bumababa si baby ending ecs. huhuhu. Yung paulit ulit ulit ulit ulit ulit uliiiiiit kang ina i.e ng ibat ibang doctors and nurses huhuhu. Feeling ko nun kukunin na ko ni Lord. hehe. Pero nung andyan na si baby omg everything was worth it talaga. Thanks to papa G
Pag normal masakit yung Labor . kasi Yung CS may anesthesia di nla nraramadaman yung skit ng pag hiwa sa knila . pero pag na wala na yung Epekto nung gamot na tnurok don nla nraramdaman yung sobrang skit . hirap , at ang tagal ng pag galing nla . mdami bawal , pag malamig mkirot . limitado pa yung kilos ksi bka bumuka tahi nila . Parehas lang msakit .
normal ako s panganay ko..masakit mag labor,,then s second baby ko..nag labor ako about 12hours super sakit..then kpag pilitin kong mag-iri pa, nawawala daw heartbeat ni baby Kia nag decide c OB n CS ndaw ako..then no choice,,paglabas ni baby, ayun nkapulopot daw ung umbilical cord s leeg nya..Kia ung pain ko doble..labor pain..at pain after Ng CS..
so far di ko pa masabi,,on labor po ang normal ata kasi makaka ramdam ka talaga ng ilang araw o oras na labor tapos may tendency pa na mahihiwaan pa sa kipay na tinatawag na episiotomy,kaysa sa cs thoughmay labor siya pero isang sakitan lang hintayin lang ma heal yung wound...disclaimer lang po yun po ang palagay ko..para saakin lang po
both masakit pero mag kaiba sila ng pain... normal yung time na mangamganak ka.. after labas ng bata ok kna.. cs-di masakit manganak pero after mo manganak nndumn ang pain. lalo nayung tahi kasi matagal ma heal... proud to all momshies over there! ❤
tingin ko masakit ang normal though diko pa nararanasan kasi cs ako. pag cs ka dimo naman mararamdaman ang pain kasi may pain reliever naman na prescription ang doktor. though medyo matagal nga nag recovery time and sobrang limit lang ang kilos mo.