Naranasan din ba ng baby nyo na magmuta? Baby ko nagsimula magmuta nung 2months sya, mag 3 months na
Ano kaya pwede gawin? Pinapatakan ko naman ng gatas ko, minsan bulak na may tubig tas hinihilot ko din yung between sa ilong nya near tearduct. Parang ang tagal na kasi. Any suggestions po? Tia! 😊
tiyaga lang mommy. hilotin mo lang yan 3x a day ganyan din ung sa baby ko before almost 8mo. din un pinakita ko sa EEnt. parang hindi pa dw masyado fully developed ung tear ducked niya. u can see sa you tube panu hiluton. dont worry recommended yan ng Eent ang paglihot.
yung baby ko po nagka'ganyan din.. dahil po sa amoy ng damit nya.. kaya nagpalit kami ng sabon panlaba.. sa matapang na amoy din po kasi minsan.. pero patingin nyo din po para sure kayo..
Ganyan si baby nung 2mos siya. Normal lang naman daw. Ang hindi normal as in sobrang dami na at hndi na makadilat si baby.
Yung anak ko panganay . ginawa ko basa na cotton dinadampian ko lng Yung muta nya . mawawala din nmn Yan
Ganyan din ang baby ko.. Ng pinatakan q ng gatas n galing skin... Mga 2days wala n ang pagmumuta nya
Doctors do not recommend putting breastmilk sa eyes ng baby. Pa-check up mo na lang momsh.
normal LNG yn sis nag lilinis ng mata ang baby lagyan molng ng gatas mo kada umaga
saline solution. no need naman hilutin malapit sa mata baka may bacteria pa
no no po sa breastmilk na ipapatak sa mata. ipacheck up nyo po.
ganyan din baby ko dati inadvice ng pedia cold compress lang.
Mommy of 4 little kids