NABABAHALA AKO☹️

Ano bang feeling pag gumagalaw si baby sa loob? At anong month mo siya mararamdaman?. Please answer me ? I had 2 miscarriage before kaya i wanna know kung ano yung feeling☹️

NABABAHALA AKO☹️
96 Các câu trả lời
 profile icon
Viết phản hồi
Thành viên VIP

20 weeks pa po at hindi pa ganun kalinaw yung galaw nya. iba iba naman po kasi tayo ng pagbubuntis sis at naka-depende din minsan sa location ng placenta. Like me, anterior placenta ako, nung 20 - 27 weeks madalang at mahinang pitik pitik palang nararamdaman ko, tas minsan may movement sya pero ang hirap damahin dahil sa placenta. ngayon 30 weeks na ako at lumalakas na movements nya pero hindi pa din katulad nung previous pregnancy ko na umaalon alon talaga. Pray lang sis at wag ka masyadong maparanoid. Everything will be okay😊

Đọc thêm

Feeling? Pag as in makulit na sya at ramdam mo na ung sipa nya, kada sipa nya para kang maiihi or sometimes parang umiikot ung sikmura mo.. ramdam mo na may bigla na lang sisipa sa loob mo.. hehe My OB told me na mga 3-4 months may pumipitik pitik na dapat (heartbeat) Then mga late 4months and above, baby will start kicking and mararamdaman mong nagmomove na sya hanggang sa palikot na ng palikot si baby.. 😊

Đọc thêm

early week pa lang ni baby paranv may bubbles or butterfly na ako nafi.feel... 9 weeks lalo na ngayon na 12 weeks na sya... but please wag ka ma worry ng masyado kasi iba iba tayo mag buntis... first anak ko, close to 6 months ko na sya na fi-feel nuon... kaya di talaga magkapareho.. :) Claim it na this time, your pregnancy will push thru without any complications... :) you will see your healthy baby in time.

Đọc thêm
5y trước

hahaha same, sinabihan ako na wala pa yan.. masyado pa maaga LOL sabihan ko sana "Nahiram mo ba kanina matres ko? Bakit mas alam mo pa galaw ng katawan ko?" hahahahaha but true, first baby ko close 6 months ko na talaga na feel...

Influencer của TAP

3 months may konteng galaw na konte palang paminsan minsan. 4 months napapadalas na mejo mahina parin. 5 months tlga magstart ang lkas ng knyang mga sipa hehe pero masarap sa feeling. sabi nila 7-8 months mejo hard n daw ang sipa eeh at suntok eeh. by the way 6 months na kmi ni baby.. =) galaw sya ng glaw pag gutom ako.. at pag pagod. at active sya bago ako matulog sa gabi...

Đọc thêm

ako first time mom. dati di ko dn alam na un na pla un pero nung nafeel ko na ng maayos mga 20 weeks parang may pitik pitik tpos parang kumukulo ung tummy ko. prang may umaalon alon ahaha. bili ka din fetal doppler pra di ka paranoid kung okay lng si baby sa tummy mo. ako kasi bumili ako para alam ko na may heart beat parin sya. chinicheck ko everyday. 21 weeks n ako now.

Đọc thêm
Post reply image
5y trước

Sa shopee sis nasa 1kplus lang po

Sarap po ng feelings pag gumagalaw n si baby lalo n po pag kita mong pati si daddy ay excited din pag nararamdaman nya sa akin si baby. Madalas kc hinahaplos din nya tyan ko at kinakausap nya si baby. Nung unang time n naramdaman nya si baby ay napabigkas pa sya ng "ay buhay na nga!" At tuwang tuwa syang nakwento pa yun sa knyang mga kapatid at magulang.

Đọc thêm

3 months bumubukol bukol lng sya sa may puson ko.,ung sipa nya around 18 weeks ko naramdaman.,ok lng yan sis.,iba iba namn tayo ng experiences.,tsaka posterior kasi placenta ko,nasa likod ng matres.,si baby ang nasa harapan kay mas madali ko syang maramdaman.,pray ka lng sis.,as long as wala ka namang pain or any spotting ok lng yan.,safe si baby mo.,claim it😊

Đọc thêm

5 1/2 months sabi sakin ng ob ko . Pero ngayong 5 months na tiyan ko nraramdaman ko na yung galaw nya sa loob ng tiyan ko . Para di ka mabahala . Pag nag pa check up ka sa obgyn mo itanong mo lahat ng gusto mong malaman o mag sabi ka ng mga nararamdaman mo . Kasi ako ganon eh . Para mawala pangamba ko . Kasi nakunan nadin ako sa 1st baby ko sna eh .

Đọc thêm

Ako po sister nakunan din ako this March lang, after 2 months,nabuntis ulit ako, 16 weeks may pitik na akong nararamdaman,parang may isda sa loob ng tyan ko na nagswiswim,bandang 20 weeks pataas,ayun,medyo malalakas na,lalo na ngayon going 28 weeks na ako,ang lakas nyang sumipa lalo na pag gutom ako o nakakain ako ng gusto kong pagkain

Đọc thêm
5y trước

Nagtry na ako sis...hindi man umeffect sa kanya😂😂😂

Parang gutom sis pero parteng puson or pusod. Feeling may kumukulo. Or minsan parang may pintig na mas malakas sa pulso. Di mo sya lagi at madalas mararamdaman kasi 17weeks pa lang. Hayaan mo sis, madidistinguish mo din movement nya soonest. Have a safe pregnancy💕🙏

5y trước

Hello sis first time mom ako ganun pala yon , nasa 12weeks nako recently may nararamdaman ako kumukulo sa tyan ko yung tipong hindi naman ako gutom pero may kumukulo sa loob , nakaka tuwa naman 😍😍 salamat sis