Hello just want to ask po sana about sa follow up check-up sa ob-gyn

Ano ano po mga prenatal vitamins na binibigay sainyo? & also hm po lahat ng expenses nyo sa isang check-up lang? saken po kase nung 1st check-up ko umabot 5.5k po(papsmear, trans-v ultrasound,check-up, threptine yan yung parang tinapay na maliit po, vitamins [consists of calcium, momma vit, vitabone, prenat, tsaka vitaminD3] yang vitamins is good for 1 month & pampakapit good for a month) 2nd check-up umabot ng 4k po ( trans-v ultrasound, check-up then vitamins [momma vit, vitamin D3, Cell life] good for 1 month ulit & pampakapit ulit po good for 1 month na tsaka fem wash) then ngayon lang na follow-up check-up 5k+ ulit po (pelvic ult [wala naman binigay na papel or ultrasound paper] pinavideohan lang samin, vitamins [Vitamin D3, momma vit, B-complex], pampakapit [10 pcs], flu vaccine, check-up) nagtataka lang po kase ako pano umabot ng ganyan kalaki yung bill tapos wala din pong binibigay na resibo samin, thanks ftm here

3 Các câu trả lời
 profile icon
Viết phản hồi

Grabe si OB nyo 🙈Umabot po ng ganung kalaki dahil sa lahat ng mga procedures and vitamins na nabanggit nyo. Sa karamihan kasi ay optional naman yun, or sa labas mo ipapagawa. Yung sa private OB ko before, naiinis rin ako na after ng checkup ay sabay abot na rin ng vitamins at dagdag na rin sa bill. Yung nga ibang vitamins na ibibigay sana nya ay meron na ko and I'll say so, kaya hindi na nya ibibigay sakin. Yung sa 2nd ko naman sa lying-in clinic, panay offer sakin ng midwife ng maternal milk, pero nagtry lang ako once para matigil na pero tumatanggi na ko sa mga sumunod. Siguro next time, yung mga iooffer nya na procedures ay tanungin nyo rin muna kung para saan, and then decide if you want to have it done or if you think it's necessary. Then sabihin nyo po anu-ano yung mga gusto nyo lang kunin. Or if you're not comfortable, pwede rin naman po palit OB. They know you have the money, or at least are willing to spend as much, kaya siguro tinatake advantage nila. Sa mga nabanggit nyo na procedures, ang natry ko lang: checkup - P350 pelvic utz (once per trimester, plus on 9th month) - P1,200 (with printouts) Sa vitamins: folic acid calcium prenatal multivitamins (Obimin) pampakapit for 2 weeks - during my 2nd month na may nakitang subchorionic hemorrhage, na nawala rin after.

Đọc thêm
2mo trước

tinuloy-tuloy nyo pa po ba yung pampakapit nyo?

Grabeh pinas lang sakalam talaga dito sa kuwait 1kd lang kung pinas money 183 peso lang free na lahat pati altrasound

MD mommy here. Lipat na po kayo

2mo trước

yes po naghahanap na po ako ng mas affordable na ob-gyn po kase di na namin kinakaya yung sobrang taas ng gastos po na halos umabot ng 5.5k kaso konti lang po kase yung ob-gyn dito samin e