152 Các câu trả lời
Wala. Mas gusto ko noon mga blank papers dodrawingan ko..nag hohoard ako sa ilalim ng unan ko basta makakita ako papel na walang sulat baliktaran. Mahilig ako mag drawing ng family na may mansion haha tapos itatago ko lang din sa ilalim ng unan hanggang sa dumami sila🤣
Lego hehehehe Hindi ko naexperience maglaro sa labas ng bahay. Lagi lang kaming sa loob ng bahay tapos ang mga laruan lang namin e mga Lego, puzzles, connect the dots ganyan.
ung manikang clown na mas mtngkad sakin nun 😆 ngkanda sira na tinahi tahi nlng ata para mbuo kc naalala ko nun halos d na tumatayo ung manika ko na un para syang unan.
pogs at magic cards 😅😅😅 may dalawang deck ako noon plus mga rare 😅😅 mas gusto ko kasi makipag laro sa boys kesa sa girls na puro chinese garter lng at bracelet 😅😅😅
Yung goma kasi pinagdudugtong ko para humaba para may magamit akong pang 10-20,saka ginagamit namin para sa chinese garter mahal kasi garter noon.
paper dolls, at mga larong panlalaki kasi mga kapatid ko puro lalaki kaya lahat ng laro nila nilalaro ko. hehehe
Paperdoll.At nalala ko yun mga dati kong lutuan na babasagin at miniature furniture 😔 ka sad nga lang nasunog
Dahon,lupa,mga bato,mga bulaklak. Laking probinsya e,kayo na humusga kung anong ginagawa ko sa mga yan😂
Madami akong naaalala na nilalaro ko nung bata ako.. like chinese garter, jumping rope, teks, kotse kotsehan ( para daw akong lalaki dahil yun daw gusto ko laruin)
Chinese garter, patentero, bente-uno, boombase, teks, lutu-lutuan at luksong baka