227 Các câu trả lời
naiyak ako, kasi nabasa ko na dapat as early as 16 weeks mararamdaman mo na. ako kasi nagsearch pa ko paano maramdaman.. Ftm kasi kaya di ko alam ang feeling.. nung mag isa lang ako at walang ginagawa pinatay ko yung efan, tapos tahimik na nahiga habang nirerelax ko yung hinga, isip at katawan ko. tapos ayun nung naramdaman ko, nagulat ako.. naiiyak na ko pero sabi ko baka heartbeat ko lang yun at hindi si baby.. pero nung ilang minuto pa lumipas naramdaman ko na ng paulit ulit. ❤️ sayang lang nasa work ang asawa ko. nagulat sya nag vc akong umiiyak.. 😂
Sobrang saya. parang ung first time ko kiligin hahahaa. parang first time mainlove ulit napaka perfect. mula maramdaman ko galaw nya, lagi ko na inaabangan 😁💓💓💓 un nag papasaya sakin sa nakakastress na sitwasyon natin ngayon dahil sa pandemic.. 💓lalo na nung malalakas na movements nya, tapos halos bumakat na mga sipa nya. 💓 napaka rewarding kahit napupuyat ako, palaging pagod at may masakit sa katawan ko, basta nag gagalaw galaw sya ng super dalas, Happy ako kakaibang happiness.. 💓💓💓
Ako pa lang nakakaramdam. Kapag pinapahawakan ko kay hubby di nya daw feel. Ewan ko ba dun.. Pero nung first time ko makapa ang kick niya kinilig ako at naluha. Kakaiba pala feeling kapag alam mo may buhay kang dinadala sa tyan mo... 😊
Natakot ako at first punta agad ako OB hahahaha pero yung sumunod napapangiti ako palagi. Ang saya may nakatira sa tiyan ko tapos nagpapapansin lalo nat busy sa office. Hehehehe sarap ng feeling! 6/9 first time mom 😊
Nagulat ako kasi ftm ako pero sobrang sarap sa feeling kaya simula non lagi ko talaga inaabangan sipa ni baby 32weeks preggy here at palakas ng palakas na sipa niya which is good kasi sign na healthy siya 😊😇
4th month nafeel ko yung malakas na pitik mula sa loob and alam ko yun una mafifeel na kick ng baby..super happy kasi nafeel ko na alive na alive na talaga sya 😁😁 btw week20 na kami today 😍😍😍
Natuwa ako. Ang aga ko sya naramdaman. As in alam ko na ang galaw nya 3rd baby ko na to bale. Naramdaman ko sya by 12 wks. Ngaun 21 wks nko naaangat na nya ung remote sa tyan ko. Active sya ng gbi
akala ko nakulo lang tyan ko.. Yun pala dahil nagigiliw din sya dahil magnenew year na (2018) .. tas pag hinahawakan ng iba tyan ko ayaw gumalaw pero pag nakahiga lang ako saka galaw ng galaw
Tuwang tuwa kc nafefeel ko na sya! Nakakamiss baby bump..mga panahong di ka pinapatulog sa kakagalaw nya sa loob ng tyan.. ngayon sobrang lakas nya na sumipa ng malaya at 3wks old.☺️😘
Napaiyak ako. Ganun pala yung feeling. Lalo na sa first heartbeat nya nung check up. Parang sobrang nakaka amaze na may buhay na nasa loob mo. Sobrang nakakaiyak na nakakatouch.