100 Các câu trả lời

Mahal ko siya but I can't stand his pagiging magastos and overly argumentative 😅 Mild case lang naman and naiintindihan ko naman 'yung hilig at pangangailangan niya for stuff pero pinapa-limit ko 'yung pag-treat niya sa sarili niya to one treat per payday only. Tinuturuan ko rin siya mag-save, tinakot ko sabi ko kapag hindi niya inayos, kukunin ko 'yung pera niya for safekeeping 😁 Ang hilig rin ng lalakeng ito sa debate, ewan ko ba 😅 'Yung healthy debate lang naman.. pero minsan nagkakapikunan rin kami kasi 'di naman din ako papatalo 🤣 Minsan nga binabalikan ko mga debate namin, natatawa na lang ako eh. Minsan wala naman kwenta o nakakatawa na talaga 'yung batuhan namin ng arguments. But still thankful to God for him overall, kasi very loving, mature and responsible na tao naman siya despite his shortcomings. 🥰

Hndi nya maiwan yung babae nya kahit buntis na ako ulit. Ang sakit sobra! Tinitiis ko lahat! Pinanghahawakan ko mga pangako nya pero hndi kna maramdaman na mangyayari pa yun. Buntis ako pero hndi ko maramdaman pagpapahalaga nya sakin. Sa bata nararamdaman ko yung concern nya pero sakin at sa relasyon namin parang wala na. Ano bang dapat kung gawin? Dapat bang bumitiw na ako?! Ang tagal kna syang pinaglaban pero kahit anong gawin ko hndi nya binibitiwan yung isa! Dapat bang humiwalay na ako? Pati pagbubuntis ko affected dahil sa stress sa kanya.

Kumusta po kayo?ano napo nangyare, nagbago po ba c mister?

Mahal ko ang asawa ko pero hindi ko na kaya ang sitwasyon na pinaglagyan nya saken. Gusto ko na makawala sa pakiramdam n parang mag isa lang ako. May asawa ako legal pero hindi ko lage kasama dahil nandon xa sa ibang pamilya nya. Ayuko na may kahati sa lahat ng bagay. Pagmamahal, panahon, atensyon at financial lahat yan ay kulang at di ko maramdaman galing sakanya. Gusto ko na tapusin lahat samin para sa mga anak ko. Gusto ko ibalik ang kumpyansa ko sa sarili l. Gusto ko ulit mabuo😢

VIP Member

Para sakin wala ka dapat ihiling na mabago sa kanya dahil kung mahal mo talaga siya better accept what he is .. pero nung ngayon nagsasama na kami , marami na ko nakikitang attitude na ayaw ko sa kanya .. Nag away na kami , kung may hilingin man ako na mabago sa kanya , ay yung pag na sstress siya sakin , wag na sana niya idaan sa sugal .. Pag usapan nalang sana namin .. But this time okay na siya , di na siya nagsusugal. Mas bumawi na siya sakin

asa sa parents, i mean tiwala siyang may mahihingi siyang pera sa parents kaya pag may perang bigay sa kaniya, ubos biyaya kasi makakahingi naman uli siya. nahihiya ako, kasi dito siya nakastay samin pero ang laki pa rin gastos ng parents niya sa kaniya, baka isipin wala makain dito ganito ganyan. o di kaya sakin naman nahingi, nahihirapan ako mag ipon para sa sarili or sa baby namin na malapit ko na ipanganak. Hayyy

Same tayo momsh. Ayaw mag hanap ng work nama. Si hubby at panay games petiks lang kasi nakaasa sa mom nya. Nakakahiya lang.. 😔😔😔

I love my husband the way he is now.. Nung nag asawa kami tinanggap ko sya at tinggap nya ako. Malaki age gap namin so sa relationship namin sya yung mature at ako medyo childish.. Lagi nya ko gina guide to do what's right and best and I love him for that.. Kumbaga sa kanya nakahanap ako ng katapat. And my family likes him very much kasi wla sya bisyo at maalaga samin ni baby. ❤

VIP Member

Mahal ko siya kahit sino pa siya pero ang pinakaayaw ko lang sakanya na gusto kong baguhin niya ay yung bawas bawasan niya ang pag-iinom ng alak. Other than that wala na siyang bisyo. Naiintindihan ko din naman lalo na't pakikisama rin sa mga tropa niyang miu tulad niya. Pero sana alam niya yung limitasyon niya kasi wala din naman naidudulot na maganda ang alak sa katawan natin.

Yung pagiging maluho nya. Hilig bumili ng mamahaling shoes and jersey kahit di nman nasusuot. Ilang ulet ko n sya pinagsasabihang unahing mag ipon para sa panganganak ko pero palihim na nag oorder online. 🤦 Nakakapagod na napaka selfish nya.. sarili nya lang iniisip nya. Nag bibigy naman sya sakin pang ipon pero sayang din nagagastos nya sa luho nya. 😔

I can't stand him pag nalalasing. Sobrang yabang kasi at napaka angas magsalita. Ayaw magpapatalo gusto sya lagi ang bida. Namimilit din sya makipag sex kahit wala talaga ako sa mood. Nagagalit sya tapos kinabukasan maka asta parang wala lang. Samantalang ako ilang sa kanya kapag nangyayari yun pakiramdam ko naaabuso ako.

magwork na sya at wag lagi mag aantay ng padala sa nanay nya sa germany.. Khit may reason ang pagpapadala dhil kinuha ng stepdad nya na german ang pera nyang inipon nung nagtatrabaho p sya dun sana naman alalahanin nya kmi ni baby.. Lagi kc nyang katwiran nkakakain naman daw ako pero iba prin ang may pera sa pinagpaguran nya.. 😓

Câu hỏi liên quan

Câu hỏi phổ biến

Những bài viết liên quan