Ang sama ng loob ko kasi feeling ko di ako priority ng partner ko. Kaya ayun umalis ako sakanila. Ang hirap lang kasi in just 2 weeks, due date ko na. Kinonpronta ko siya tungkol sa nararamdaman ko pero parang wala lang sakanya. Nagsosorry lang siya tas walang pagbabago. Babawi ng isang araw then after nun, balik ulit sa dati. Nagbubuhay binata siya. ML, inom. Nagalit pa siya sabi niya sakin "so di na pala ako pwede maginom habang buhay?" eh pinagbibigyan ko naman siya kaso inaaraw araw niya. Nakukulangan ako sa aruga niya sakin. Di ko alam kung OA lang ba ko. Lagi nalang ako umiiyak sa gabi. Bago palang kami ganyan na siya. Dalawang taon na kami ngayon. Akala ko magbabago lalo na't paparating na si baby. Kaso wala eh... Hays :(