TEEN MOM 19YRS OLD

Ang sakit ng mga titig ng mga tao saken kase I'm a teen mom 31weeks pregnant minsan nakaka panghina at minsan may mga point na pag sisi pero hanggat maari gusto kong maging matapang sa harap nila. any thoughts po ba sa mga teen mom jaan na nakikita nyo kahit negative po paki comment naman para po malaman ko kung ano naiisio ng iba saamen mga teen mom it's a baby girl ?

142 Các câu trả lời
 profile icon
Viết phản hồi

wag mo sila pansinin besh. ganyan talaga sila, akala mo perfect ang life. ako nga 24yo na pero ang tingin nila parang hs undergrad or mababa tingin kasi di pa kasal pero idc. basta masaya akong may baby ako at mas iniisip ko nalang future nya

Sadyang ganan ang mga tao mapang husga huwag mo silang pansinin.isipin mo na wala naman silang maitutulong sa iyo at dagdag stress lang sila.Matapang ka mother to be mas pinili mong buhayin ang bata sa sinapupunan mo di tulad ng iba❤

Wala silang pakeelam basta okay kayo mag-ina at wala kang tinatapakang kapwa mo. Hands up to you na kahit ganyan naeexperience mo tinuloy mo pagbubuntis mo. Be proud of yourself. But sana matapos mo studies mo in the future 😊

Im 18yrs old po mamsh 3months preggy palang hehe hayaan molang sila tsaka dinaman sila magpapakain sayo and wala naman silang ambag sa buhay mo ang importanti may asawa ka at pamilya kang kasama maging proud kalang hehe 😘

Ify. 19 yrs old nabuntis and now I'm 20 37weeks preggy hehe. Don't mind them nlng, sabihin nila lahat ng gsto nilang sabihin sila rin mag mumukang masama at walang pinag-aralan, hindi tayong mga teen mom.

Thành viên VIP

hanggat okay sa parents mo yan at sa buo mong pamilya no need to worry abt sa sasabihin ng ibang tao, yung iba nga dyan tinatalikuran maging magulang, atleast ikaw naninindigan dba? think positive lang sis 😊😊

Hay nako po momsh. Hayaan mo lang sila. Ako nga po 18 palang po e. Wala naman silang magagawa buhay mo yan. Dika naman nila bubuhayin pag lumabas na baby mo. Baby mo maaapektuhan kapag nagpapadala ka sakanila.

Naku momshy, maraming ganyan sa mundo. Mapanghusga, akala mo naman ang linis nila. Wag mo pansinin sinasabi ng iba kasi blessing yan at hindi curse. 😊 Dont stress too much po, bawal po yun sa buntis. 🤗

Tsaka bahala sila sa buhay nila noh hahaha ako iniisip ko nalang. Dipa naman huli ang lahat para saken magaaral naman ulit ako nextyear tsaka pake ko sakanila di naman sila invited sa binyag ni baby hahahaha

Sa akin, wag mo na lang sila pansinin. Sa ngayon, focus ka muna sa sarili at baby. You are still young and have lots of chances in life. ;) Masmarami ka ring pwede pang magawa na ikaka grow mo as a person .