TEEN MOM 19YRS OLD

Ang sakit ng mga titig ng mga tao saken kase I'm a teen mom 31weeks pregnant minsan nakaka panghina at minsan may mga point na pag sisi pero hanggat maari gusto kong maging matapang sa harap nila. any thoughts po ba sa mga teen mom jaan na nakikita nyo kahit negative po paki comment naman para po malaman ko kung ano naiisio ng iba saamen mga teen mom it's a baby girl ?

142 Các câu trả lời
 profile icon
Viết phản hồi

aq 24 yrs old na pero ung tingin nila sakin prang teenager yung feeling na prang wla kng karapatang magbuntis at maka baby?! i know nakaka stress ung mga judgmental na tao take note nakaka alam. lng pamilya ko at hindi pinapa alam ng pamilya ko sa iba naming relative ung about sa pregnancy ko kc nakakahiya dw biglaan dw kc!! feeling ko tuloy kinakahiya ako ng pamilya ko, which is ayokong mangyari at gawin sa baby ko pag labas niya kc alam. ko ung pakiramdam... i will make them proud together with my baby and ill make sure na isa nalng masasabi nila kundi ang swerte ko sa anak ko!!! laban lang sis

Đọc thêm

Sa una lang yan. Ganyan din ako noon halos di nga ako makalabas ng bahay pero pag nanganak ka na di mo na yan maiisip, parang wala na lang marerealize mo pa na walang kwenta pala yung mga iniisip mo dati like yung pag iisip mo sa iisipin ng ibang tao kaya nahahadlangan yung mga dapat gagawin mo or dapat ginawa mo. Kaya hayaan mo sila kung pinag uusapan or tinititigan ka ang isipin mo yung baby mo, kasi at the end of the day di naman mahalaga yung sasabihin ng ibang tao and di naman nila alam yung storya mo at mas kilala mo sarili mo

Đọc thêm
Thành viên VIP

As far as I know, hindi na abot sa range ng teenager ang 19 years old. Nasa adulthood na, ako 19 nung nabuntis and 20 na ako ngayon 32weeks preggy. And wala akong pakialam sa tingin ng iba. As if naman sila ang pinag aasikaso ko ng pagbubuntis ko, hindi naman diba? So never degrade urself dahil sa mapangmatang tingin ng mga tao. Kahit ano naman mangyari, may masasabi sila. Ang dapat mo na lang gawin ay lakasan ang loob and pagbutihin ang pagbubuntis para sa baby. Wala namang naitutulong ang mga maintrigang mata ng ibang tao. 🤗🙌🏼

Đọc thêm

girl pabayaan mo sila. I'm a teen mom too 18 ako nung nabuntis ako, nung una mejo nahihiya ako kasi papacheck up tapos ako pa pinakabata dun sa pinupuntahan ko na hospital. nung nag 4 mos na tyan ko hinayaan ko nalang kung ano iisipin ng ibang tao sakin mas lalo nga ako naging confident nun and sinusuot ko ung mga gusto kong damit kahit sobrang preggy na ko hahaha you just have to be yourself, love yourself and your baby. hindi mo need mahiya sa mga chismosa sa paligid mo. maging strong ka girl para sa sarili mo and lalo na kay baby☺

Đọc thêm

Pabayaan mo nalang sila I'm a Teenmom rin at 18yrs old sa 1st baby ko Boy siya pero graduate naman nako nun ng 2yrs course kaya dedma ko lahat ng sinasabi nila na kakagraduate lang daw buntis agad. Pake ko sa kanila hindi naman sila ang nagpapakain sakin at bubuhay sa magiging anak ko eh. Now 20 yrs old ako and 2yrs old na 1st baby ko and Pregnant ulit ako sa 2nd baby ko. Think positive lang hayaan mong sila ang mamroblema sayo wag mo silang problemahin. Anyway same tayo 31weeks na din ako and Baby Girl din😍😍

Đọc thêm

Haha, ok lang yan. Im not a teen mom kaka 20 ko lang and im 32wks preggy. And kahit ilang taon kapa basta di ka nakapagtapos ng pag aaral or di kaya wala kapang trabaho e jujudge kaparin nila.. Kahit nga ok na lahat, na sa right age at may pera may masasabi parin mga tao sayu. Di na natin yan maiiwasan kasi naka tira tayo sa mundong di ka nabubuhay ng walang commento ng iba. Mabait kaman, maghahanap parin sila ng mali sayu at kahit wala kang ginagawang masama huhusgahan ka parin nila. Thats how the world is.

Đọc thêm

Di na yata ako pasok as teen mom. Young mom na kasi ang 20 yrs. old. Ako I don't really mind kung anong maisip ng mga tao. Hindi sa kanila umiikot ang mundo ko at hindi sila parte ng mundo ko. Kahit na parte pa sila ng mundong ginagalawan ko, wala rin silang karapatan magbigay ng opinyon tungkol sakin at sa kung anong nangyayari sa buhay ko. Pag nakakita ako ng buntis kesyo bata o matanda, wala rin naman pumapasok sa isip ko. Wag mo na lang silang pansinin beh. Buhay mo yan, go on with it may say man sila or wala.

Đọc thêm
6y trước

Ganyan talaga mga tao. Nagc-conclude agad kahit wala silang sapat na ebidensya para humusga. Kaya mo yan beh. Stay strong. 😊

I got pregnant by 20 and gave birth at 21, newly grad. I had the same experience lalo na ang taas ng expectation ng family at ibang mga tao, unemployed pa ung partner ko nun..lahat ng tingin, chismis at parinig napagdaanan ko..pro hinayaan ko nlang. two mos after ko manganak ngkawork n ko agad and now after 12yrs, stable kmi ng asawa ko expecting our second baby. we have decent jobs and those who looked down on us had their mouths shut. just be strong and always make your hardships your reason to continue

Đọc thêm

i am 19 too when i made the same mistake. got pregnant at an early age and outside marriage. Pero dahil andyan na yan ang mahalaga nagiging responsible ka para sa baby mo. Unlike sa ibang di din ready na maging mommy tapos nagpapaabort ng baby. Hindi na mahalaga ang sasabihin ng ibang tao, ang mahalaga sinosoportahan ka ng mga magulang mo at ng partner mo. Just give your best nalang sa pagaalaga ng baby mo. Wag mo nang pansinin ng mga nega na tao kasi makakasama sa baby kapag nagpastress ka.

Đọc thêm

Hello 19 y/o lang din ako. Same as you maraming judgements pero hinayaan ko lang ang importante Love ako at baby ko ng family ko, family ng asawa ko. Mas pinopost ko pa at Positive lang posts ko para pag pinag usapan nila ako maganda ganda ang pag uusapan nila kasi masaya ako (totoo kasi excited na ko)😂 Laging sabi ng mama ko "Isipin mo lang ang sarili mo at ang anak mo saka ka bumawi pagkapanganak mo gaganda ka ulit at matutuloy mo rin lahat"

Đọc thêm