WEEK 39 & 4 DAYS

ang pinakanakakainip na linggo. Puro pahilab na ndi tuloy tuloy sa puson at pananakit ng balakang lang. Hanggang pempem humihilab ngunit walang discharge.. last check @week 39, 1cm na. Hanggang ngayon wala pa din... Hindi ko na alam gagawin, lahat na ginawa ko. Pineapple juice (1.36l sa isang inuman), squat, lakad dito lakad duon, evening prime rose. Natatakot na ko baka makakain na ng popoo c baby. Ano pa bang gagawin ko, malapit na kmi mag-due?? 😭😭😭FTM hir.

1 Trả lời
 profile icon
Viết phản hồi
Thành viên VIP

Hi momshie! 💕 effective din ang pagkain ng spicy foods. Then squat, lakad everyday, pwede din ung akyat baba sa hagdan pero dahan dahan lang. Yan ginawa ko para tumaas agad cm ko. Sa 1st kid ko kasi pagputok ng panubigan, after 1 hr kasama byahe kasi malapit lang, nanganak na ko. Sa 2nd ko nung humilab na tiyan ko at every 10 mins siya nahilab nagpadala na ko sa lying in. 2 cm na ko pagdating namin dun, tinanong ako kung uuwi pa ba kami kasi pwede pa naman daw sabi ko hindi na. Kaya nagpa admit na ko that day, buong araw yun sa lying in lakad lakad kami ni hubby at akyat baba ako sa hagdan nila kasama si hubby habang may dextrose ako then squats. Pahinga saglit. Kinagabihan kumain ako ng spicy foods, tapos madaling araw pumutok na panubigan ko and nag active labor na ko. After 30-40mins nanganak na ko. Niresetahan din ako before nung 37 weeks na ko ng primrose, iniinom sa umaga at tanghali and sa gabi pinapasok sa pwerta, 1 week ko lang ginawa un at nung nasa lying in na ko, uminom ako ng umaga at tanghali.

Đọc thêm