15 Các câu trả lời
Napapag-usapan naman po yan ng maayos. Ang set up namin, since nakatira din ako sa parents ko at buntis din ako ngayon at kaka resign lang from work, may portion ng allowance ko from my partner ang nakalaan sa tulong ko sa bahay. Bago ako magresign, alam na ng hubby ko un. Since andito ako, at ang mama ko ang nagiintindi sakin, dito ako kumakain, obligado akong magshare kahit papano. But, limited lang at kung anong napagkasunduan namin ni Hubby, nothing more nothing less. Naiintindihan naman ng mama ko, lalo at manganganak ako. 😊Pagusapan nyo lang, mahirap pag pera ang nagiging cause ng misunderstanding.
Lahat ng bagay momshie may limitasyon. Ipaintindi mo lng sa nanay mo na sa ngayon ang pera nyo mag asawa ay sapat lng para sa mga importanteng pangangailangan... present reality lng muna sis para iwas gulo..hindi dn kasi maganda pag laging pinagbibigyan lalo pa at sa estado ngayon ng buhay nyo eh si mister lng ang nagtatrabaho... kaya nyo yan sis...paliwanag mo lng ng maigi sa nanay mo
Sa house po ba ng mama niyo kayo nakatira? If ganon po reaction ng husband mo then sabhin mo sakanya na bumukod na po kayo. Mahirap po pag finances na yung pinagaawayan. Sa tingin ko kasi di ka din makatanggi sa mama mo kasi nahihiya ka din and di mo din naman skya matitiis esp if sa isang bahay lang kayo nakatira talaga.
kausapin mo mama mo na yung pera mo ay para sa baby nyo. dapat nauunawaan na yun ng mama mo eh. normal lang yung nararamdaman ng partner mo kasi yung pera na yun sa inyo nilaan hindi sa nanay mo. pakiusapan mo rin muna mga kapatid mo na sila muna bahala sa nanay mo dahil ung pera mo kailangan nyo ni baby
Huwag mo bigyan nanay mo, sumosobra na siya. Isipin mo muna partner mo at si baby. Atsaka sis pera yan ng kinakasama mo para sainyo lang iyan kung emergency man or ano tsaka mo bigyan yung mother mo. Huwag mo hayaang maging ganyan ang partner mo baka ma fed up iyan sa nanay mo at saiyo.
Ikaw din ang problema sis .. pede kang tumanggi .. hellow may pamilya ka na .. kung sinanay mo ang mama ko kakahingi sayo pwes sanayin mo na din sya na tiisin mo .. guato mo bang mawasak ang binubuo mong pamilya dahil dyan sa kaprichuhan ng mama mo .. ikaw din bahala ka
Yep, pwede ka tumanggi, kung may concern talaga nanay mo sa inyo maiintindihan niya kayo. Isa pa, ikaw din dapat naiintindihan mo yung nararamdaman ng asawa mo. Kaya nga siya nagtatrabaho para sa inyo ng baby mo tapos ibibigay mo lang sa mama mo.
Sabihin mo mismo sa mama mo sis na kelangan nyo din magtabi ng pera para sa baby nyo.. baka kasi hndi nya din alam na saktong sakto lang ung pera at talaga walang matitira kung maibibigay mo palagi sa knya.. wala na ba kayong father na pwedeng asahan ng mama nyo?
Wala na po. Hirap po kasi talaga ng panganay. Nasanay na sila na umaasa sakin kahit may mga trabaho naman mga kapatid ko. Hindi ko alam kung bakit di nila maintindihan yung simpleng salitang wala na akong trabaho at may sarili na akong pamilya.
Nag anak ka at nagpamilya ka so dapat priority mo yung family mo hindi yung mama mo. Dapat kung ano lang mabigay yun lang. Tsaka para sainyo pala mag ina bat makikisali pa mama mo masyadong inconsiderate mama mo.
Bat ba kc pinagbbgyan mo lagi mama mo.. Imagine ikaw ngtratrabho tas Pera mo napupunt lng s byenan mo.. Ano marramdaman mo.. Mbwebwest ka dba.. Pinaghhrapan mo para san!? Para sustentuhan din byenan mo..
Pwede ka naman mag bigay sa mama mo pero wag mo siyang sanayin magagalit talaga asawa mo para sa inyo ng anak mo yun e. Sana iniintindi kadin ng nanay mo kasi hindi ka single may asawa at anak kana
Anonymous