Struggles of Soon To Be Single Mom

Ang hirap magdalang tao ng walang katuwang lalo kung nakikisama ka lang kahit sa mismong pamilya mo. Mula ng talikuran kami ng ama ng anak ko, more than 3 months ago, hindi na tumigil ung mata ko sa pagluha. Mapaumaga, gabi, madaling araw o tanghaling tapat. Kung kelan mas lalo kong tinitibayan ung loob ko, mas lalong dumadami ung mga nagddown sakin. Pilit ko namang iniiwasan. Pero sila ung lumalapit e. Nanahimik na nga lang ako. Pag sumosobra na ung bigat ng loob ko alam ko may mga kaibigan ako, bilang man, hindi naman sa lahat ng oras mapaglalabasan mo sila ng sama ng loob. Hindi ko nga alam kubg pano pa ko nakakatawa minsan. Pakiramdam ko instead na bundle of joy ung pinagbubuntis ko, bundle of stress na. Naaawa ko ng sobra sa anak ko. At sobrang proud ko sa tatag nya sa loob. Kahit na sobrang stress ung buong pagbubuntis ko, malakas pa din syang gumalaw. Ang hirap din talaga ng walang nag aalaga sayo. Alam kasi nila kaya mo naman e. Tsaka kasalanan mo yan. Di mo inensure ung nakabuntis sayo. Pumasok ka sa ganyan ng di nakatapos at walang trabaho. Sobrang nalulungkot ako sa mga nakapaligid sakin. Mula ng araw na narinig kong mawawalan ng ama ung anak ko, hinanda ko ung sarili ko sa ibat ibang bagay na kakaharapin ko araw araw. At hindi talaga sya madali. Sobrang bumaba ung self esteem ko sa sarili. Idagdag mo pa ung mga kwento ng kwento sayo kung gano sila kaswerte sa pagbubuntis nila. Wala naman talaga kong pake pero sana wag na lang nila iparinig sayo dahil alam naman nila pinagdaraanan mo. Nakakasama talaga ng loob. Isa lang yan sa mga nakakapag padown sakin. Palagi akong nagdarasal kay lord na tanggalin nya ung galit sa puso ko na nararamdaman ko para sa mga taong nakakagawa ng kasalanan sakin. Lagapak na kasi ako sa lupa. Hindi ko na kayang dalin pa ung burden ng galit. ? nagvvent out lang naman ako. Nagsasawa na din kasi akong ichat ung sarili ko e. ?

73 Các câu trả lời

Prayer po. Mainam na kay God ka po maglabas ng saloobin . Nakakawala ng stress. Subok ko po iyan.

Alagaan ang sarili at si baby wag masyado ma stress sa sitwasyon. Malalagpasan din mo yan

VIP Member

Better days are ahead sis. Kapit lang! Pray ka lang din lagi ❤️ God will guide you.

Mommy, pls wag masyado pa stress. Baka paglabas kasi ng baby mo may side effect po.

Pray lang po lagi wag panghihinaan ng loob , ingatn si babay mamsh kya mo yan

Kaya natin to momsh, tiwala lang andyan si GOD hindi nya tayo pababayaan😊

VIP Member

Be still... Ikaw ang #1 na need ni baby.. Take vare of yourself mumsh 😉

Isipin mo lang lagi Si baby. Kailangan mo maging strong Para sa kanya

kaya mo yan pray lang ..pakatatag ka para pag lumabas si baby matibay kna

Same tayo..pray lang..and breathe lang..pilitin mo wag isip negative..

Câu hỏi phổ biến