Struggles of Soon To Be Single Mom

Ang hirap magdalang tao ng walang katuwang lalo kung nakikisama ka lang kahit sa mismong pamilya mo. Mula ng talikuran kami ng ama ng anak ko, more than 3 months ago, hindi na tumigil ung mata ko sa pagluha. Mapaumaga, gabi, madaling araw o tanghaling tapat. Kung kelan mas lalo kong tinitibayan ung loob ko, mas lalong dumadami ung mga nagddown sakin. Pilit ko namang iniiwasan. Pero sila ung lumalapit e. Nanahimik na nga lang ako. Pag sumosobra na ung bigat ng loob ko alam ko may mga kaibigan ako, bilang man, hindi naman sa lahat ng oras mapaglalabasan mo sila ng sama ng loob. Hindi ko nga alam kubg pano pa ko nakakatawa minsan. Pakiramdam ko instead na bundle of joy ung pinagbubuntis ko, bundle of stress na. Naaawa ko ng sobra sa anak ko. At sobrang proud ko sa tatag nya sa loob. Kahit na sobrang stress ung buong pagbubuntis ko, malakas pa din syang gumalaw. Ang hirap din talaga ng walang nag aalaga sayo. Alam kasi nila kaya mo naman e. Tsaka kasalanan mo yan. Di mo inensure ung nakabuntis sayo. Pumasok ka sa ganyan ng di nakatapos at walang trabaho. Sobrang nalulungkot ako sa mga nakapaligid sakin. Mula ng araw na narinig kong mawawalan ng ama ung anak ko, hinanda ko ung sarili ko sa ibat ibang bagay na kakaharapin ko araw araw. At hindi talaga sya madali. Sobrang bumaba ung self esteem ko sa sarili. Idagdag mo pa ung mga kwento ng kwento sayo kung gano sila kaswerte sa pagbubuntis nila. Wala naman talaga kong pake pero sana wag na lang nila iparinig sayo dahil alam naman nila pinagdaraanan mo. Nakakasama talaga ng loob. Isa lang yan sa mga nakakapag padown sakin. Palagi akong nagdarasal kay lord na tanggalin nya ung galit sa puso ko na nararamdaman ko para sa mga taong nakakagawa ng kasalanan sakin. Lagapak na kasi ako sa lupa. Hindi ko na kayang dalin pa ung burden ng galit. ? nagvvent out lang naman ako. Nagsasawa na din kasi akong ichat ung sarili ko e. ?

73 Các câu trả lời

wag mag pa stress mommy everything happen as a reason..pakatatag ka hindi para sakanila para sa baby mo..masakit man ang mga sinasabi nila wag munalang pansinin ksi pag nakikita nila na apektado ka sakanila mas marami pa sila masasabi sayo...

VIP Member

Pakatatag lang momsh. Hindi lang ikaw yung nkkaranas ng ganyan. Marami tayo😭 pray iyak pray iyak na nga lang din ako. At eto anytime pede na lumabas baby ko. Hindi paren ok amg mundo ko. Pero lalaban ako para sa mga anak ko.

Kaya mo yan, always pray and have faith.. Si baby lagi iisipin mo.. Pag nakakaisip k ng kung ano ano isipin mo lagi how lucky you are kay baby.. Hnd nmn agad nawawala ung galit eh.. It takes time to heal bsta dasal lng lagi..

Thanks sa pakikinig at mga advices mga momsh. It's already uplifting just by reading those words of encouragement and knowing there are people na nakakaintindi at handang makinig sayo. Love you girls. Godbless. 🙏💙

Gawin mong motivation and inspiration ang mga experiences mo ngayon sis para bumawi ka. Isipin mo nlang, walang permanente sa mundo, years from now malaki na baby mo at masasabi mo nalang na kaya mo pala..Pray lang ❤️

VIP Member

kaya mo yan madam.. Pray lang lagi kay GOD sabi nga sa Deuteronomy 31:6 Be strong and courageous. Do not fear or be in dread of them, for it is the LORD your God who goes with you. He will not leave you or forsake you."

Okay lang yan sis ako may asawa ni hindi man lang ako matulungan e parang mag isa lang din ako sa lahat o di ba isipin mo nalang wala din. naman yun pinagkaiba tatagan nalang natin loob natin para sa baby

Sis May dahilan kung bakit ng yayare Yan ..but don't forget na may baby blessings ka sa Tummy mo ..always keep Praying and have faith to God he's always there for us no matter what happen ..

VIP Member

Isipin mo na lang sis di lang naman ikaw ang nag iisang single mom, at kung na kaya nila kakayanin mo din. Para sa anak mo Laban lang, itaguyod mo sya, mahalin mo sya ng buo.

be strong momsh..matatapos din yan stress.kunga matatag si baby sa loob mas lalo kang pakatatag para sa inyong 2.Pray lang and everything will be alright.Godbless

Câu hỏi liên quan

Câu hỏi phổ biến

Những bài viết liên quan