Ganyan talaga sis. Tyaga at pasensya lang ang kailangan mo dyan.
Ganyan din si baby ko nung mga unang weeks nya. Yung tulog nya minuto lang, di umaabot ng oras, unless tatabihan ko sya. Panay sya hanap ng dede, panay din sya iyak at gusto nya din lagi karga. Puyat, sobra. Halos maiyak ka nalang talaga sa hirap pero magbabago din yan sis. Naninibago pa kasi yan sya. Baby ko nga super iyakin noon. Di ko na alam gagawin sakanya lalo't first time mom ako. Tiis lang talaga at mahabang pasensya. Pwede tayo mapagod pero di tayo pwedeng sumuko. 4 months na si lo ngayon. Medyo okay na ngayon unlike sa mga unang buwan. Grabe hirap talaga.hahhaah goodluck mommy. Kaya mo yan!❤️