35 Các câu trả lời
luhh ganyan na ganyan din naging sitwasyon ko😢 pero okay na kami ngayon sa awa ng Diyos po. nahuli ko syang kachat nya yung kawork mate na kaibigan nya and friend ko narin yung girl kasi nakakasama ko yon dati pag sinasama dn ako sa gala nya after work. nung una nahuli ko na sila na may relasyon sila pinatawad ko asawa ko kasi buntis dn ako, tapos nahuli ko na naman na nagkakausap na naman sila ang hirap kasi magkalayo dn kami stay in dn sya sa work nya kaya hindi ko mailabas ang sama ng loob ko ilang araw kong kinikimkim yung galit ko, di nila alam na alam kong nagkakausap na naman sila. kaya ginawa ko pinuntahan ko yung babae sa work place nya at pinaamin. yun nga totoo mga hinala ko na naguusap na naman sila at tinutuloy. kaya paguwi ko sa bahay kinausap ko asawa ko through chat linabas ko lahat ng sama ng loob ko, nagpaliwanag naman sya kung bakit nya ginawa yun at tinatanong nya kung maayos pa ba namin relasyon namin para sa magiging anak namin. di ako nagdalawang isip na patawarin sya ulit dahil mahal na mahal ko sya at iniisip ko yung magiging anak ko ayukong lumaki sya ng walang ama kasi alam ko feeling ng walang ama galing ako sa broken family kaya hanggat maari ayuko iparanas sa magiging anak ko yung lumaking walang ama. alam kong nagkulang din ako kaya nya nagawa yun, dahil ang layo nya na di ko maipadama yung pagmamahal ko di ko sya machat lagi, nagaantayan lang kami kung sino mauuna magchat samin. nawalan sya ng gana at saya sakin kaya nahanap nya yun sa iba, di ko kasi magawang lambingin sa chat tulad ng ginagawa nung babae sa kanya... maganda kung liwanagin mo po yung lalake kung ano talaga, tanungin mo kung mahal kapa ba nya kung gusto nya bang panagutan anak nyo para hindi yung iniisip mo lage yan kawawa si baby. ganyan ginawa ko, sabi nya mahal ako ng asawa ko. ngayon kita ko naman na nagsisi sya na nasaktan nya ako ulit. mas napanatag na loob ko kasi binabago nya na sarili nya, lagi ko na sya chinachat na dati di ko magawa lagi na kami naguusap sa chat na dati di halos namin magawa. kaya maganda talaga sa relasyon yung communication kung magkalayo at nasasabi yung mga saloobin para magkaintindihan kayo.
been there mumsh..skin naman matagal na ako madalas my instinct na naramdaman nagpupunta pala sa spakol kaya pala madalas magpamassage kuno...before pa pala ako magbuntis nun nung nagsama na kame mas naging halata na to aun gang sa nabuko ko na kung san siya nagpupunta nakikita ko sa mga grab history and ung mga nag aadd sknya sa fb kung sino sino. So aun kinomfront ko siya pero dineny pero syempre kitang kita ang proof nakausap ko pa yung mga girls.. kaya aun umamin na humiwalay ako ng ilang weeks.. at hinde na dn naging sweet pero dahil sa anak namen binigyan ko ng chance since mukang wala naman specific na girl siyang kinahuhumalingan. Mahirap mag move on umabot pa ko sa nagpacounsel ako, ang pinaka nakatulong skin jan is idistract ang sarili ko nag aral ako mag make up watch sa youtube (akalain mo may nanligaw pa skin sa office o edi siya ngayon ang napraning! 🤣), my blog din ako nun lahat dun nilabas ko, tapos araw araw nagdasal ako matagal bago makamove on halos d ko na siya pinapalabas..ang pamassage nya din dito s bahay namen sa harap ko. 🤣 pero ang mahalaga jan kung both kau willing to work on the relationship mas mabilis kau makakamove on. aja sis!
Fresh pa yung nangyari. Sa ngayon talagang mahirap pa sayo na kalimutan ang lahat, talaga pong babalik at babalik talaga yun sa isip mo. Nakakabaliw parang umeecho sayo. Pero momsh, kailangan mong labanan at tulungan ang sarili mong kalimutan. Ang akin lang, siguro mabuting magbakasyon ka muna sainyo, iwasan mo yung mapagisa ka. Lalo mo lang kasi maiisip yun, magandang madivert mo yung isip mo sa ibang bagay. Yung may nakakausap at nakakakwentuhan ka. Sobrang stressful yan, at mahirap kung magkakaroon ng effect yan kay baby. Tama ding ipagpaDiyos mo po lahat. Tuwing mararamdaman mo yung sakit at maalala mo ipagdasal mo momsh. Nakakagaan ng loob yun, si Lord kausapin mo. Pray ka lang for healing and guidance. Pray mo kayo ni baby at bigyan kapa ng lakas para malabanan yan. I’m praying for you too! Hopefully, mabawasan na yang iniisip mo. I know the feeling, been there done that. It’ll takes time and a long process to move on and to forget all those pain. Pero alam kong malalampasan mo yan! Stay strong momma! You’ve got God’s back!🤗😊🙏🏻
Sobrang thanku sa advice. Momsh. Actually ngwoworry dn ako kay baby sa epekto ng pgiisip ko. Siguro nga ng focus ako kay hubby. Ever since kasi. D q sya nhulihan ng gnyan almost skn lahat ng time nya. D nman dn ng kulang kasi after work nya may nkaready na fud pra sa hapunan. And nkkhiya man active nman ang sex life nmin.. Sobrang dnamdam ko yun. Pero snsbi q nlang pgsubok lang to d n din kasi mkpgbaksyon dhil laguna pa ang parents q and auq sya iwan bka mas lalo mgwala. Pero .salamt ng madami sa advice. Godbless us.
Ako ganun din.. Ksi lip ko military Dmi chicks Tinanggap ko siya hnd tlga ngbabago kht Binigyan ko ng anak.. Ksi lam niya mabait ako at lagi nagpatawad.. Kya pa ulit ulit nyang ginawa ang pnloloko.. Hanggang sa mawala na pasensya ko.. Cnabihan ko siya sa harap ng magulang niya na. May kakambal na higad.. Kya d makuntento sa ginagawa.. Nakatingin LG nny niya Sakin.. Kht nagsasalita ako nang ganun sa anak niya. Cnabi ko ksi na .. Bwesit ka talaga. Inuubos mo pasensya ko. I pinanganak kang may kakambal na higad ng nny mo.. Subra kati. Kalat d2 Kalat doon.. Kung naloko ka NG mga babae mo ako sisihin mo.. Gawin mo ulit yan. Makatikim ka Sakin ng d mo nakita o nkuha sa mga magulang mo.. Tahimik LG nmn siya kpg nagsasalita ako. Gagawa ng mga ikasasaya ko. Bibili ng kung anu2 pra Sakin pra d mapagalitan ulit..
ako sis nung 1 month to 4month tyan ko npaka emotion ko din... ang gnagawa ko sa partner ko sis snasabihan ko sya tandaan mo sa umpisa nagkamali kna bka kung pwd b wag mo ng dagdagan pa dahil nkkapuno na din ehh kpg di ako mkpg pigil bka mkpanakit tlaga ako alm mo ugali ko nuon pa man kaya ingat ka sa akin para akong killer bride naghhnap ng hustisya! tska hndi kna bata at binata magkka anak na tayo... nkikinig lng sya sa akin sis.. alm ko kung anu oras out nya from work pg na late lng ilng oras yan questionable na yan sa akin... 6months preggy na ako
Im 37 weeks pregnant and 5 days ago ko lang nahuli ang husband ko na may kabit, secretary nya pa sa office. Sobrang sakit kasi parang matagal na sila. I confronted him, i asked help fron his sisters and my sister also. Grabe ang stress. Pero inisip ko na lang ang baby namin. Il just deal the problem after kong manganak. Minsan, di maiwasan na naiisip ko parin ang pagcheat nya pero mas gusto ko na safe ang baby namin so i just pray and leave it all to God. Even if nagpromise na sya na magbabago sya and inako nya kasalanan nya i still have doubts.
Madali mag patawad pero mahirap makalimot. hnd maiiwasan na maisip mo parati yun. masakit, pero need mo mag paka tatag para sa anak nyo. kahit simple bagay makakapag paalala sayo. kung hnd mo sya kayang iwan kasi mahal mo pa. Mag pray ka lagi kay Lord, na bigyan ka ng mapag patawad na puso.. sa tuwing may maalala ka, bumulong ka ng "Heal me Lord.. Heal me Lord.." I've been there sis, hnd magiging madali. pero as days, months passed by.. we will get through this. 😘
Sana nga sis. 😘🙏
Naku grabe naman po yung nangyare.. pero magiging okay din po kayo.. sguro acceptance and forgiveness po kasi khit na pinatawad nyo na sya hindi naman ibig sabihin na makakalimutan nyo yung nagawa nya pero isipin nyo nalang po na pagsubok lang sainyo nyan. Subukan nyo po na magkaron ulit ng quality time para sa isat isa.. malay nyo mag work diba.. "God sends His best soldiers to the worst battles." Malalagpasan nyo rin po yan. God bless po.
be with your parents na lang muna siguro momsh. if they can comfort u without asking too much question, mas makakabuti for you and your baby. its best to know kung sino ba mas importante sa asawa mo kung kayo ni baby or yung babae nia. mas mabuti habang maaga alam mo na rin. this is really sad, im sorry na pinagdadaanan mo to ngaun pa na buntis ka. praying na sana mapagtagumpayan nio ni hubby mo ito. ur baby deserves a complete family.
Hirap kalimutan pero kailangan kc my baby k... Aq kc hanggat maari ayoko ng pakialam ung cel nya kc baka may mabasa uli ako or makitang something n makakasakit pero i admit minsan tinitingnan ko ng lihim.pero after nung mgyari n may makita aq sinabi ko n lng sa sarili ko n hindi iikot ang sarili ko sa lalake kc my anak aq dapat pangalagaan.kaya kaht panu naka move on ako sa pain.and pray lang
haycis khay tenorio