Almost 1 month na kami hiwalay ng ex ko at may 12 month old kaming baby. Sabi nya magpapadala lang daw sya ng money kapag may kailangang necessities si baby na para sa kanya ay food, vitamins, diaper, wipes, some clothes and toys, at toiletries lang. So usually ang padala nya monthly ay 500-2000 pesos. Kapag nagaaral na daw anak namin, sya naman daw magpapaaral sa private hanggang college.
Pinapagalitan po kasi ako ng tatay ko dapat daw magdemand daw ako ng sustento ng para sa akin hindi lang daw sa bata dahil karapatan ko daw yun. Ang gross na sahod po ni ex ay 23k monthly. Nasstress ako kasi ayoko din kausap ang ex ko tungkol sa pera at mas lalong ayoko din sana idaan ang ganitong usapan sa barangay.
Wala po akong hawak ni pisong pera dahil wala pa ko work at di rin makapag-homebased dahil wala din kami internet.
Karapatan ko ba talagang hingan ng pera yung ex ko para sa pansarili kong gastos?