🧽 Paano ang Hatian ninyo ng Household Chores? 🧹
Alin ang naka-assign kay Mommy? Alin ang naka-assign kay Daddy? Meron din ba ang mga bata? Share niyo na sa comments below!
Mga anak, taga walis at lampaso. Taga hugas din ng pinggan after kumain. Nanay, tagaluto/tagalaba/tagatupi. Tatay, nagtratrabaho/tagalaba. Don't get me wrong, na halos lahat ng gawain bahay ay sa anak na namin pinapagawa. Tinuturuan lang namin sila masanay na kumilos sa bahay kaysa mababad sila sa gadgets. Ayaw namin matulad ang mga anak namin sa mga na spoiled na bata ngayon na mahirap pasunurin ng magulang at panay reklamo kapag hindi pa nasunod ang gusto. Hindi ito pang torture sa kabataan. Hinuhubog lang sila sa kanilang paglaki. Paghirapan muna nila ang mga gusto nila mga rewards/requests.
Đọc thêmDipindi kung sino available kumilos sa bahay... madalas ako lang gumagawa dahil nagtratrabaho si Mister buong araw late na din nakakauwi dahil sa construction sya
Ako lahat sa gawaing bahay, si hubby naman ang runner pag may bibilhin sa labas siya din taga hatid at sundo, personal driver namin ni baby hehe
Si Mommy lahat ng linis, si Daddy taga-luto at taga-palengke/grocery :)