2 weeks old..sharing our adventure

Alhamdulillah! nakaraos na po kami ni baby @38weeks ..share ko lang experience namin.. EDD Sept.19, Date of delivery is Sept.5.. Sept.3 palang may brownish discharge na sakin pag gising ko pero wala akong ibang nararamdaman kundi usual bh(braxton hicks) lang.. Lagi ako nagdadasal na sana makaraos na para masulit namin ni baby ung 105 days na leave ko..nagstart kc leave ko last sept.2 lang. Sept.5, around 7:30 pag gising ko umihi lang ako then may discharge nanaman and this time hindi lang brown kundi blood na.. So mejo nagexpect na ako na baka this is the day we've been waiting.. 7:45 nakaramdam na ako ng contractions na akala ko bh lang nanaman kc bearable naman..hanggang sa ang intervals nlng ay 5 mins-15 mins. Sabi ko, ito na nga siguro yon. Di pa ako pumuntang lying in kc bearable pa naman ang sakit at baka pauwiin lng ako. Sayang pamasahe, mejo malayo layo pa naman.nagdouble check ako ng documents at mga gamit namin para sa delivery..hanggang umabot ng hapon, mejo nawala wala ang contractions kaya nagdecide ako maglakad lakad para matuluyan na nga.. Nahintay ko pa hubby ko umuwi from work bago pumuntang lying in. around 7:30 PM nang dumating kami sa lying in, I.E result is 5cm! My gosh sabi ko, 5cm na pala ako bearable parin naman ang sakit.. Hanggang sa lumipas ang 2 hours patindi na ng patindi ang sakit.. 10:30PM Hindi na maipinta mukha ko at panay kapit ko na sa asawa ko. Pinapahimas ko dn likod at balakang ko nakaka soothe kc.. Saka pa lumapit itong midwife tinatanong ako ng kung ano2ng info.. Nakakabwiset! Kung kelan humihilab na ng bongga saka kayo magi interview! (Pero sa isip ko lang yon.haha) Ang sabi ko lang, 'sakanya niyo nlng itanong' (pointing to my hubby) habang ako di na malaman kung anong pwesto maigi maibsan lang kahit konti ang sakit. Pumutok na panubigan!!! 'Ayan na! Lalabas na! Sabi ko nlng..and everyone ay nataranta na..diretso delivery room.. 'Wag ka muna iire' sabi nila habang getting ready sila. 'Anong wag iire? Sobrang sakit na, mapipigil ko ba yon?(syemre sa isip lang ulit) ..ang nasabi ko lang 'Di ko na po kaya pigilin', sabay ire!!!!. Parang biglang naging first time ang lahat though 2nd child ko na ito. Nakalimutan ko na umire.. Nagi-instruct sila pero parang di pumapasok sa utak ko, ang nasa isip ko lang 'iire ko to kung pano ko gusto umire!!!' Nakailang ire, napunit, tinahi, at ito na nga!!! Woooh! 10:55, Baby's out! Grabe..worth it ang lahat nang nakita ko at narinig ko na iyak ng baby ko.. Sobra. Maraming salamat sa mga mommies dito na hindi madamot sumagot at magshare ng experiences. It's true na iba2 ang journey natin sa pregnancy pero it really helps parin to know difderent experiences para in case mangyari, alam na natin gagawin .. Good luck sa mga expecting mommies and God bless! ? PS: Municipal Lying in, wala kaming ginastos kahit singko, sila pa ang nagbigay ng pagkain samin. Under philhealth ang lahat.Kasama na newborn screening and birth cert. God Bless them.. ☺

91 Các câu trả lời

Same tayo mamsh june 15 last day ng work ko kaya june 16 1st day ng leave. Ayun nanganak ako june 16 rin (Pero EDD june 26). Haha sulit na sulit ang 105 days! Anyway congrats mamsh! 💖

Sulitin ang 105 days na whole day mong kasama si lo mamsh ❤️💖❤️💖

Ma shaa Allah ang cute ng baby mo😍. Alhamdulillah at nakaraos ka na po mommy.I'm on my 34th week and sa lying-in din manganganak,in shaa Allah🙏

Jazakillahu khairan sis😍

VIP Member

Alhamdulillah mamsh nakaraos kana. InshaAllah ako rin mairaos ng normal at maayos kming dalwa🙏🏻☺️

Inshaa Allah sis 😊 Dua lang po ng dua..

VIP Member

38weeks na din ako tomorrow. Sana makaraos na din hahah Congrats momsh!!! 💕💕💕 Welcome baby 😍

Salamat ..God Bless po..☺

Laki namn sis ... Ako din nov.3 duedate ko ..sabi ng ob baka mapaaga .. dyosko 1st time ko ...hehhee

Kaya mo yan momsh 😉

VIP Member

congrats po 💕 paano po ba walang bayaran gamit philhealth working din po ako 2years n.

Basta po NSD..at walang ibang tinurok, pinainom sainyo, lahat normal..wala po babayaran kung sa public po..

Nakakatuwa naman kayo magkwento mamsh hahaha btw, congrats po napaka cute ng baby niyo

Hehe salamat po..

VIP Member

tabachingching ☺️. congrats mommy for successful delivery. hopefully aq dn

TapFluencer

mommy tanong ko lang po. nasa Posterior position po ba bby mo po?

Ung last ultrasound po, yes.. Posterior 😊

What a sweet.smile...congrats...welcome to the world.baby

Câu hỏi phổ biến