23 Các câu trả lời

VIP Member

Naririnig ko din yan, sa mama ko at sa kapatid at kaibigan ko .. kesyo nabuntis lang daw ako pumanget na ako, di ko naman gusto nangyayari sakin kaso sobrang tinatamad talaga ako mag ayos hahaha kahit mag suklay di ko gusto eh 🤦🤣 wala naman atang nasama dun, hindi naman ako apektado sinasabi ko na lang at least naranasan ko hahahahaha kasi pag nag paapekto ka ikaw din naman maiinis eh kaya hayaan mo na lang ..

Oo nga nakakainis sister in law ko sarap tadyakan, nung nag buntis nga siya mukhang balyena hahaha. Umitim daw kasi ako at na haggard, baka daw lalaki anak ko saki pumanget ako. 2 days ko dinamdam yung sinabi nya tapos i decided na mag ayos haha then nung nagkit kami, sabay sabing babae daw anak ko kasi glowing. Plastik din tong SIL ko 🤣

Same here mumsh. Di ko kinaya mga panlalait. Ang pangit ko na daw. Tas pumayat daw ako. Blah blah. Umiyak talaga ako sa kwarto ko. Di ako ganto sa baby boy ko dati. Sobrang blooming ko nung nagbubuntis ako sakanya. Feeling ko baby girl tong baby ko.. Feeling ko lang.

Ako nga sis di pa buntis sinasabihan lagi ako ng bf ko ng ang pangit ko hanggang ngayon pero takot naman mawala ako. Okay lang yan na haggard ka as long na alaga mo si baby di mo napapabayaan. Mapabayaan na ang sarili wag lang si baby. 😅

Same here, babae ang anak ko pero grabe ang haggard ko, nangingitim leeg ko siko then mga singit singit tas grabe yung breakout ng pimples ko.. Kakalerki nga daig ko pa lalaki ang pinag bubuntis sa haggard ko

nawala nmn mamsh?

Same here lahat na lang panlalait, itim ng leeg, ang taba, lapad ng ilong. Pumanget daw ako gnyan pa mga salita e pero ignore ko lang sila sis alam ko lahat ng ganda ko mapupunta sa baby ko hehe

Buti ung asawa ko hndi.. Kahit alam ko sa sarili kung hagard ako simula nung magbuntis ako, hndi nya ako sinasabihan ng panget or hagard ako.. Lagi nya pa sinasabi ang ganda tlga ng asawa ko😁

VIP Member

Same case momsh..😅 me pumuna sakin, bakit daw hindi ako blooming eh buntis ako hindi daw katulad ng iba na blooming, sabi ko na lang hindi naman lahat ng buntis parepareho..😅😂

Okay lang yan. Mas mahahaggard ka pa pagka nanganak ka na at nandyan na si baby. 😂 Pero definitely makakabawi din tayo. Ayos lang yan. Wag mo sila pansinin. Ang chachaka nila.

VIP Member

Ako kahit hindi buntis sanay na masabihan ng bf ko na panget daw ako, madami kasi akong pimples lagi. Tapos ngayon buntis ako bihira nalang nya ko sabihan. Wala lang sakin hehe

Câu hỏi liên quan

Câu hỏi phổ biến

Những bài viết liên quan