10 Các câu trả lời
same po currently 26weeks and 4days yung kada gagalaw sya sa puson parang mapapaihi ka na and once napaihi nga ako sa super active nya lalo sa gabi pamadaling araw na hahahaha signs na healthy si Baby
hehe same po tayo mi, sobrang likot 😅 may mga galaw sya na nakakasakit pero nakakatuwa kac sign na healthy sya., nging malikot sya simula ng pagtungtong nya ng 20weeks, now mag 25weeks na sya 🥰🥰
Mas gusto ko na magalaw si baby kaysa hindi. Pag hindi siya gumagalaw, Doon ko pinapakinggan ang heartbeat niya thru doppler and OK naman yung heartbeat niya.
normal lang Po Yun . kasi mas more Ang likot nya mas healthy sya. pag Po di na nagalaw or Minsan nalang gumalaw baby nyo magworry napo kayo .
sabi ng ob mas maganda daw na active si baby sign yun na maganda ang heartbeat ni baby.mas mag alala po kayo kung bihira po siya gumalaw.
same na same tayo mommy. Going 28 weeks na ako. pero natutuwa ako palagi kapag nararamdaman galaw ni baby.
kaya nga mi. Pero minsan nahihirapan din ako. Di naman sa nagrereklamo ako. 😅 Sobrang baba kasi ni baby. Nakapwesto na kasi ulo nya kaya hirap ako sa posisyon ko lalo na pag hihiga. Hirap tumagilid. Kailangan nakatukod yung isa kong paa. Para syang naiipit tas napakalikot pa. Pero may time din na bihira lang sya. Tas ako naman nangungulit. 😂
mas maganda nga yan eh kesa magworry ka bakit hindi masyado gumagalaw
may nabasa kasi ako na may posible din daw na ma cord coil pag sobrang active ni baby. Sa latest ultrasound ko di naman sya cord coil. Nakaka praning lang talaga
alam niyo na po ba yong gender ng baby mo...???😊😊😊
same poh tayo ...kayalang di ko pa alam ang gender niya cguro boy parin cguro to...🙂🙂🙂
same case here. 27 weeks day 6 super active ang baby 🥰
28 weeks na ko ngayon, sobrang likot din 😁
Chelsy