95 Các câu trả lời
Alam mo na ngang mali na kumabit ka, nagpaanak ka pa. Namnamin mo ang swerte mo hanggat kaya ka pang ibahay nyan at di pa alam ng una nyang pamilya. Wag na magrason na tao lang nagkakamali, dahil choice mo yan. You don't deserve any respect. Daig mo pa ang bayaran. Buti yun parausan lang. Ikaw parausan na, maninira pa ng pamilya. Worthless.
Sobrang hirap ng situation mo ate girl. We live in a judgmental country.. so di mo maiiwasan na may manghusga sayo. Pero kebs mo nalang di ka dapat ma stress for the baby nalang. Saka yung pinasok mo na yan isipin mo nalang yung babae din na niloko niyo. I've been fooled once. Pero ako ang asawa kaya i need to fight for what is right. Ingat nalang miss. God bless.
Kung talagang pinagsisihan mo yung ginawa mo. Cut all the connections. You can say naman na naghiwalay kayo kasi alam naman sguro nang parents mong hindi kayo kasal or better yet tell them the truth. Once you did something wrong, talagang may consequences po yan. Pwede niyo din naman gamitin surname nung guy kahit hindi kayo married kung yun ang concern mo.
Same tayo sis. I have the same regrets kaya lang ikaw pinupuntahan pa nunh guy. Ako, pinutol ko na yung samin. He is not as responsible as the guy you have. Unfortunately, bukod sa sperm niya wala na siyang binigay. Ni oras, wala. Althou muslim tatay ng baby ko na pwede magpakasal ng higit sa isa, di na ko nakihati. Binigay ko na siya dun sa isa.
Since alam mong mali ka, huwag mo ng ipagpatuloy ang maling relasyon. Isipin mo sana paano mo papalakihin ng tama ang anak mo kung ikaw mismo baluktot ang buhay mo. Pwede mong sabihin sa magulang mo para may support ka pero panindigan mong magisa ang anak mo, Kung totoong mahal ka ng lalake hindi ka niya gagawing kabit sa simulat simula pa lang.
Lage kong sinasabe sa mga kakilala ko ang UTAK nilagay sa ibabaw ng puso at puson. Itama mo na ang mali mo, wag mong idahilang huli na ang lahat dahil buntis ka, kung kaya mong itaguyod anak mo magisa gawin mo, naging malakas ang loob mong pasukin yang relasyong ganyan, kaya dapat malakas din loob mong harapin consequence na kaakibat niya..
sa umpisa alm mng mli sana po d kn nagpabuntis ksi ms bnygn m ng ebdensya yng srli m s kasalnan.d m b naisip n may nsktn kng tao my nasira kng pmilya babae k bliktrinm ang sitwsyon ikw yng legl.ano kya mrrmdmn m sana wg dumtng yng time n iwn k at mghnp ng iba o kya iwn k ng tuluyn but mging hnda k ksi alm mng mli yng pinsok m.
Hi momsh, magpaka-healthy ka para sa baby mo. Hindi makakabuti sa kanya na lagi kang stress. Mag-open up ka na sa pamilya mo, magagalit sila sa umpisa lalo na ang parents mo pero hindi nila matitiis lalo na ang magiging apo nila. Mag-pray ka din momsh na makayanan mo lahat at itama mo ang pagkakamali mo :) Stay strong momsh!
Ganyan din ako .... Nakakalungkot nakaka miss c bf sobra .... Mahirap isipin na hnd kompleto family na nibubuo ko .... Paka tatag lng tyu para sa baby .... Nagmahal lng nmn tyu .... Hnd nmn binuo c baby dahil sa libog lng ... Binuo c baby ng punong puno ng pagibig kaso mali lng tlga sa pamilyadong lalaki tyu nahulog ....
Kung mahal mo anak mo titigilan mo na yan. Wag ka mag self pity mas lalo di ka nakakaawa sa ganyan, hiwalayan mo yan at be brave and firm. Mabuhay kayo mag ina ng kayo lang wag ka na manira ng pamilya. Maiintindihan ko pa kung hindi mo alam na may asawa eh kaso hindi ginusto mo din yan masaklap pa nagpabuntis ka
Anonymous