Ako ung nagpost ng vent out tungkol sa nanay ko the other day. https://community.theasianparent.com/q/im-28-years-old-i-was-clinically-diagnosed-with-bipolar-disorder-chronic-depr/2286454?d=android&ct=q&share=true
Dito ako nagpopost kasi wala akong masabihan na kahit na sino. Hindi ko alam kung paano ko nakakayanan lahat to think may Bipolar Disorder ako at Chronic Depression. Siguro kung wala akong anak matagal na akong bumalik sa dati na paulit-ulit nag-aattempt mag suicide.
Awang-awa ako sa sarili ko. Pakiramdam ko mag-isa ako. Ung pamilya ko pag nakatalikod ako kung anu-anong pinagsasasabi tungkol sakin. Na kesyo ganito ganyan daw ako kaya panigurado ung anak ko katulad ko rin daw. Tapos pag kinakausap nila ung baby ko sinasabihan nilang wag daw tutulad sakin kasi ganito ganyan daw ako.
Tapos ung tatay ng anak ko ang kinakampihan e ung pamilya ko. Ako na ung buong buhay e ginaganito ng sarili nyang pamilya pero ang labas ako pa rin ang mali. Hindi ko na talaga maintindihan. Napakamalas kong tao. Hindi ko maintindihan bakit naging ganito ang buhay ko. Wala naman akong tinapakang tao. In fact ako pa ung laging ginagag*. Nakakasawa na ung cycle ng buhay ko. Gusto ko na lang matapos lahat-lahat ng paghihirap ko
Anonymous