Walang pakeng LIP

Ako lang ba yung may parang walang pakeng LIP during pregnancy ko? Parang di ko kasi sya nakikitaan ng excitement, di sya excited ma feel kick ni baby. Hindi nya rin ako inaasikaso like maski massage manlang. okay lang kahit nakikita nya kong nag cacramps or sumasakit balakang. Nakakainggit lang yung iba, first pregnancy ko pa naman. Hindi ako makatulog mga mamshies; ano bang magandang pwesto pag masakit balakang?

1 Trả lời
 profile icon
Viết phản hồi

Hello, momsh. Same tayo na first time mom din. Kinausap mo na ba ang partner mo tungkol dyan? Kasi sabi ng iba meron talagang mga lalaki na hindi raw showy at minsan kelangan pang pagsabihan. Ito lng ang maaadvise ko sayo, ang iconfront ang partner mo. Iba-iba ang journey ng mga buntis. Sa iba parang madali lng, pero sa iba gaya ko na maliban sa first time mom eh maselan pang magbuntis, need talaga ang support at help ni hubby. Grateful naman ako sa hubby ko kasi priority nya talaga lagi ang ikagiginhawa ng pakiramdam ko. Always present din sya sa check ups and labs ko. Naranasan ko yang sobrang sakit ng balakang. Nadiscover ko di ako komportable sa higaan namin that time kaya nagpalit kami ng foam o mattress ayun nag ok naman. Saka minsan momsh sa position din sa pagtulog. Ideal position ang paghiga sa left side pra makadaloy ng mabuti ang dugo.

Đọc thêm