34 Các câu trả lời
Hello Po Sis alam mo naiintindihan ko Yung side mo Kasi maski Ako naranasan ko Yan Hanggang sa point na nag away away kami at nagkagulo. Pero alam mo sis na realize ko na mass masarap magmahal Yung mga inlaws kaysa sa mga Totoong magulang mo.. Yung sa side Ng Asawa ko unang apo nila baby Namin tapos ganyan na ganyan din style nila tapos Yung Mother inlaw ko madali lang matakot at ma nervous pag umiiyak na baby Namin dahil nga sa First apo nila. Naiintindihan ko feelings mo Sis Kasi pag first time Mom Kasi syempre andon Yung mga expectation mo na gusto mo Ng ganito ganyan para sa baby mo pero sa ganyan na situation Sis na NASA Bahay pa kayo Ng Asawa mo hayaan mo nalang Sila Kasi pag nakabukod na kayo Wala ng tutulong sayo na mag alaga sa anak mo ah..dapat grateful ka pa nga na Mahal na Mahal nila baby mo Kasi walang ibang magmamahal sa anak mo. Mother in-law ko nga mabubunganga at nagsasabi talaga sayo marami akong natutunan mas maganda pa nga Yung ganyan eh kaysa may mga Kasama ka nga sa Bahay mo pero Hindi ka Naman sinasabihan kung ano pa kailangan mong Gawin alam ko Yung ibig mong sabihin na para Kang inaagawan pero kahit ganun Sis Ikaw parin Ang Nanay kaya wag ka mag Alala Hindi Naman Yan mawala yang baby mo sayo. saan gusto mo Yung kinuha Anak mo na Hindi Muna Makikita or Yung Anak mo na kinukuha Ng mga inlaws mo pero nakikita mo parin. nakakatuwa nga na Makita na Ikaw Ina Ng Bata alam mo na may Maraming nagmamahal sa baby mo.Alam mo Sis sign of Postpartum din Yan kaya wag Kang sobrang maging sensitive Kasi walang mangyayari talaga sa ganyan. Oo Ako nga ma MMK Yung karanasan ko sa kanila mas malala pa Dyan sayo pero na realize ko na dahil din sa Isang selos na parang nag jealous Tayo pag kinukuha Ng iba Yung baby natin ..
same here. ayoko ng kinukuha saken without permission. ayoko din nga pinapakaen basta basta si baby without asking kung ok lang ba pwede ba un? ayoko ung matagal mawawala saken ung anak ko dhil miracle baby ko un. kaya sobra ko protektahan to the point na gusto ko ipagdamot kahit pa family din sila. may time din kc na si sil eh nasabe nya na kanya na lng ung anak ko. to the point n napaka insensitive ng paghingi nya or joke nya kasi alam nya nwalan ako twice. sya bagong kasal. like gusto ko sana sabihin gumawa kayo wag kang manghingi ng anak ng iba. kahit naambon gusto nya igala anak ko. may time na gsto nya bgyan ung 6months old ko ng bawal na pagkaen o inumin. my trust issue ako. at di ko kaya ipagkatiwala anak ko sa iba lalo na pag alam kong walang alam sa pag aalaga sa bata. di pa din kame nakakabukod and dito kame sa fam ko now id rather stay here kc klala nila ko na ayw ko pnapakialaman s ank ko. pag sa side ng asawa ko lage sila may say. kailangan talaga bumukod pra maenjoy ung pagiging mother at the same time walang kontra sa rules mo pagdting k baby.
Sa totoo lng. Npaka hirap n ikaw at c baby lng ang tao s bahay after pumasok ni Mr..😔 Lalaba ka dmit ni baby kc 2days na. Lam nmn ntin n malakas mg palit c baby ng damit.🤦🏻♀️🤦🏻♀️ Taz mag luluto k ng pgkain mo s tanghalian. Or mg luluto ka till dinner...🤦🏻♀️🤦🏻♀️🤦🏻♀️ Taz hnd k basta makaka ligo kc sakto nka shampoo ka bigla iiyak c baby nag hahanap ng tao s tabi nia or bubuhat sknya.🤦🏻♀️🤦🏻♀️🤦🏻♀️ Taz hnd din mag poop.. Ung my kulang pa saka iiyak🤦🏻♀️🤦🏻♀️🤦🏻♀️ending putol ang palabas. Taz ung mag lilinis kc alam mo pa uwi n c Mr. Cyempre makalat.. Lahat yan ranas q. Kya pg dumadalaw kmi s biyenan q.. Kla q mkakapag cp lng aq mg hapon. Pa upo upo lng, kain, nood... Hnd din pla.. Kc aq lng hinahanap pg matutulog n cia or pg hnd nila kaya patahimikin pg umiiyak🤦🏻♀️🤦🏻♀️🤦🏻♀️🤦🏻♀️🤦🏻♀️🤦🏻♀️🤦🏻♀️🤦🏻♀️🤦🏻♀️
Wag kang makinig sa isang nagcomment dito mommy na parang inaaway ka pa. Valid naman yang neffeel mo. Pero to be positive naman, at least nga naman they're affectionate towards your child. Wala naman masama don. And siguro iba iba lang talaga tayo ng kung ano ang willing tayo itolerate. May iba, okay lang ipahiram, may iba na hindi. Whatever it is, ikaw naman po ang mommy. Siguro as pakikisama, magcompromise ka din minsan like during day time hayaan mo sila laruin si baby ganon. Pero if you want some boundaries to be set, like kung sang bahay pupunta si baby, and kung okay lang ba magovernight, walang masama na mag-set ka. Ako din maselan in ways like, gusto ko alam ko kung nasan si baby kasi syempre gusto ko don siya sa sanitized lalo at madaming sakit ngayon. Ano mga ipapakain sa kanya. mga ganong bagay ba.
Momi... 1st po Uubra lng po ang term ng (my baby my rule) kung nka bukod po sana kau ng asawa mo at hnd po nkiki sama s biyenan. 2nd po. 1st tym mom ka po.. So expect nla.. Na need mo ng tulong galing s knila.. 3rd po. Dhil 1st tym mom ka po. Pinagaan nila trabaho mo... 4th po. Sna kausapin mo asawa mo n bumukod kau ng bahay pra maramdaman mo po ang pagiging Ulirang Ina.. 5th mging vocal/open ka s biyenan at hipag mo... Pra maiwasan ang sama ng loob.ok 👌 TANDAAN MO MOMI. HND LHAT NG TNONG MO ABOUT S BABY AT S GOOGLE O YOUTUBE MO MAKIKITA. the best prin po ang kapwa momi na. Kc na experience n nla.. "" "s mga mother earth na nagagalit sknya.... Unawain ntin nlng po kesa pagalitan.. Kaya nga po nag open up cia dto s page eh.""" Payo, usap lng tau. 😁
sa totoo lang mii naoayan ako sa kanya sana nga hipag ko ganyan HAHAHAHHAHAH DIBA? PARA MAGAWA KO LAHAT LAHAT MAKAPAGLABA MAGHUGAS NG BOTE NG BATA MAKATULOG.
sis valid yang feelings mo since iba iba tayo ng opinyon at lalo FTM ka pa. pero if ako iakw if want nila alagaan baby ko at hnd naman nagcacause ng harm at sakit keri lang pra atleast makapag r3st ka kahit paano. PERO dapat you need to set a boundary if feeling mo is sobra na. Sa morning pwd sila mag alaga if they want at paligo then you can rest or do other chores. Mahirap tlaga makisama sis kaya key is bumukod. again, if they are showing love sa anak maswerte ka kasi alam mo naman 90% ng in laws mga kontrabida 😅🤣 pero for me take it easy sis. Think positive ka. Pwd naman sabihin mo kay hubby ung feelings mo but explain it carefully kasi baka mamis-interpret nya at isipin na ang arte mo at buti pa nga inaalagaan nila anak nyo.
Same momsh. Ganyan din ako. Nasa instinct kasi nating mga nanay ang pagiging protective sa mga baby natin. Wag mo isipin na mali ka. In the first place, ikaw ang nanay. Dapat magsabi muna sila sayo bago sila may gawin sa anak mo. Pwede naman nila paliguan basta magsabi sayo. Good naman yung intention nila mali lang yung di magpaalam sayo bilang nanay. Normal lang na mafeel mo na parang di ka nirerespeto pag ganon, kasi ikaw ang nanay eh. Valid lang ang nararamdaman mo. Yung iba dito makacomment parang di naman inintindi yung post e. Kausapin mo hubby mo about how you feel. Hope all will be well for u and baby 💛
Hi Mommy, it's okay to feel that way as I feel the same way din kahit na 2nd child ko naman na talaga ito. I feel like it has something to do with hormones (hindi naman kasi ako ganito noon sa first born ko kahit na same lang ang treatment nila sa 1st at 2nd born ko). Wag mong pansinin yung mga comment na iniinvalidate yung nararamdaman mo because di nila alam ang pakiramdam. I won't say think positive nalang kasi alam kong mahirap yon but instead I'll say gawin natin itong motivation para makapag ipon at makabukod para sa peace of mind natin. Kaya natin to, Mommy. ❤️
For me mommy valid Yang nararamdaman mo..may ganyan ding nangyari sakin.na magigising na Lang ako wala na baby ko sa tabi ko..kinuha na Pala ng ate ko Kasi wala syang baby na Babae Okey Naman po sakin Pero Kung palagi na at ung to the point na matutulog ako na Hindi ko katabi baby ko naku big no na Yan sakin ... paano ako matututo maging nanay Kung ganun .pangit din Kasi ung ganun mamaya mas masanay ung bata sa iba Hindi sayo na nanay .Hindi pagiging Maarte un lalo na first time mong maging isang nanay. nakakaloka ung isang comment dito na ang Arte mo daw mommy...😅
akala ko ako lang. last week bigla nalang inuwi ng bro in law ko ung baby ko. syempre anak ko yun sinundan namin agad. ang salita ng mga kapatid nya. "oh bakit sinundan nyo agad di naman umiiyak" Wow teka lang prang wala ako karapatan kaloka. tapos sasabihin pa nung isang ate sa baby ko, sama ka samin. dun ka matulog. ang worst ung byenan ko 😔 kinakausap baby ko " pag nanganak c mama mo dun kana kay ninang *****" "pagnanganak c mama mo dito kana samin" safe zone ko pa naman pag umuuwi kami sa inlaws ko ngayun parang ayoko na umuwi
Anonymous