Ako lang ba nakakaramdam ng inis pag may mga taong dumidikta sayo or sinasabi sayo kung anong dapat gawin kay baby? First baby namin,sa side ng partner ko puro sila dikta o kaya daming sinsabi na dapat ganito gawin, ganyan etc. Eto naman kasing partner ko nadadala e, naiinis talaga ako sobra,minsan nalalaman ko na lang may gamit na binili tong partner ko na hindi man lang kumunsulta sa akin, lalo na yung mama nya dala ng dala ng mga gamit pang baby kahit di pa naman agad magagamit minsan nga di talaga kelangan tapos papabyaran sa amin(ok lang sana kung bawat dinadala nya bigay nya e kaso talagang pinapabayaran samin, apo nya naman e),at tong partner ko nauuto din e, tapos may iba pang side nya dikta din ng dikta. Nakakainis talaga pag dami nangingialam di ako makakilos ng gusto ko pag sa bahay ng partner kami nakatira, Minsan larang gusto ko na lang sabihin,My baby, My rule😂Buti pa side ko tamang paalala lang at alalay lang talaga sila sa akin, walang pressure.
Anonymous